Chapter 61 - Wrangler Maxhianne Young

38 2 0
                                    

Chapter 61 - Wrangler Maxhianne Young

]. DOS'S POV.[

10 days after the incident

" Ma, nag-aalala ako " Uno

" Bakit?"

" Paano.. paano kung magising siya at nalala niya na lahat?"

Nadinig kong sabi ni Uno, sila ni Mama ang nag-uusap. Nakakaistobo man sa tulog ko pero parang interesado ako sa kanilang pinag-uusapan.

Yun ba? Yun ba ang pinag-uusapan nila?

Pero hindi lang iyon ang naririnig ko sa nagyon, dumadami na. Tunog na galling sa isang makina, pati ang pintig ng aking puso ay nadidinig ko na din. Ang paghinga ko, ang mga yabag ng kanilang mga paa, nararamdaman na ng aking tenga.

Alien naba ako? At isa pa nasaan ba ako?

Namamanhid ang buong katawan ko, gusting-gusto kong galawin ang paa at ang kamay ko, gusto kong ibuka ang bibig ko at magsalita lalong lalo na gusting gusto kong buksan ang aking mga mata, at Makita ang liwanag. Para bang ayaw ko nang manirahan sa dilim na nakikita ko ngayon.

" ewan.. hindi ko din alam." Bumuntong hininga na saad ni Mama.

Alalang-alala ko na lahat.. Gusto kong maiyak.. Akala ko panaginip lang lahat pero itong pinag-uusapan nila, nagpapahiwatig na totoo lahat ng panaginip na iyo. Gusto ko silang sumabatan lahat.. lalong-lalo na si Sir.. pero paano? Gising nga ang utak ko pero ang mga mata ko ay nakapikit padin—

" Nandito na ako ! " ani ng isang pamilyar na boses.

Biglang tumibok ng mabilis ang puso ko. Kanina lang ay naghihinagpis itong puso ko pero ngayon ay nagging Masaya ata. Naramdaman kong may umupo sa gilid ng kama ko, at nabigla ako ng hawakan nito ang kamay ko.

" Tita.. di pa po ba siya gumagalaw? " malungkot na saad nito. " Di parin ba siya nagigising?"

Bigla akong nakaramdam ng lungkot, aware ako sa nangyare pero ang hindi ko alam kong ilang araw ako natutulog sa higaan na ito? Ilang araw nga ba?

" Psh.. araw- araw kang nakaabang ditto, nakita mo ba siyang gumalaw man lang? " inis na saad ni Uno

Araw-araw siyang nakabantay sa akin?

Nakaramdam na naman ako ng lungkot, awa at saya. Pero nangingibabaw ang lungkot ko, di dahil sa naawa ako, kung hindi nalulungkot ako sa dahlia na kalian ba hindi niya ako namukhaan? Hindi niya ba ako naalala? And worst piñata niya rin ba ako sa ala-ala niya?

Kailangan kong umalis sa kulungan na ito. Gising na ang utak ko, dapat ang katawan ko din ay magising. Determinado kong ginalaw ang kamay ko na hawak ng taong mahal ko, at natagumpayan ko naman.

" Gu—gumalaw.. gumalaw ang kamay niya !"

" Ha? Totoo?!" hysterical na saad ni Uno.

Binuksan ko ang aking mga mata, nakikita ko ngayon ang liwanag hanggang sa sila na ang nakikita ko.

"ALIGATOR!?" gulat na naiiyak na saad ni Neilson. Bigla akong natawa sa aking isipan, hanggang nagyon iyan parin ang tawag niya sa akin.

Biglang napaluha si Uno at Mama, pero binalewala ko sila, ang problema ko nagyon ay ang tuyong bibig at lalamunan ko.

" U-uno, tumawag ka ng doctor" utos ni Mama at sinunod naman ni Uno na ngayon ay masayang umiiyak.

Tumingin ako kay Neilson, gaya din nila ay masayang naluluha na nakatingin sa akin. Pinahid nito ang mga luha at biglang niyakap ako.

KNOW ME FIRSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon