Chapter 67

64 2 0
                                    

AN: Mataas taas ito pero sana ay basahin niyo parin. :)

Chapter 67

].Joy's POV.[

Nagising ako dahil sa nakakatakot na panaginip, tinorture daw ang pamilya ko ni Drew. Pagbuka ng mata ko ay inilibot ko ito sa buong paligid. Gray lahat ng walls at ang bed nito ay black. Kaninong kwarto to? Batid kong lalaki ang may nagmamay.ari nito pero sino? Iba na din ang damit ko, loose jacket at nakapajama na ako. Tumingin ako sa side table may maliit na bowl at basang basahan.

"Eh?"

Hinawakan ko ang noo ko, basa ito. Nasaan ba ako? Nagtataka ako, ang naalala ko lang ay naglayas ako sa amin at nakita ko si Drew na nakipaghalikan sa isang babae. Bigla na naman kumirot ang puso ko ng dahil doon. Lalo na sa pamilya ko, I hate myself for letting answer them in a wrong way. Bat ko nga ba nagawa iyon? Dahil sa ang bigat na ng nararamdaman ko? Ay bobo Joy. Tsk. Binatukan ko ang sarili kong ulo, para parusahan ako. Purbida ang sakit pala -_-

Inilibot ko ang paningin ko para maghanap ng orasan. Ano na kayang oras ngayon? Tumayo ako at naglakad, lumabas sa kwarto at bumungad sa akin ang living room.

"Tss. Ano ba to ang boring naman ng kulay niya." Paano naman kasi gray na naman.

Kompleto naman lahat, may tv set, dvd at..

"Woww. May mga Dvd tape siya dito. "
Kinuha ko ang isang tape. Its horry potter.

"Wow.. may series siya nito. Galiiing ," at pumunta na naman ang tingin ko sa kabilang rack.

"Wowww. Pati The Hobbit? Wooowwww. , ano naman kaya sa pangatlong rack"

Kinuha ko ang isang tape sa pangatlong rack.

"Hentai? Anong hentai?" Tinalikod ko ito . At binasa ang caption nito. "Hentai is an anime sex video?"
O____O

"Joy?" Lumingon ako sa tumawag sa akin.

Sex video?!

"WAAAAAAHHHHH!!!" naitapon ko sa kanya yung tape at nagtakip ng mukha.

"Waaah. Saan mo to nakuha?!" Tarantang saad ni Kenneth.

"Waaaah. Perv perv. Yaaaks nanunuod ng scandal ewww. "

"H-hooi . Shit. ."

"Ano hindi ka makapagsalita jan! Yaaaks kenneth ewww !" Sigaw parin ako ng sigaw kahit nakatakip itong mukha ko.

"A-anoo k-kassi .."

"Ano? Ano?" Tanong ko at tinanggal ko na ang takip sa mukha ko kaya kitang kita ko na ngayon ang mamumula niyang mukha at tenga.

"Eeeh?" Siya habang nakatingin sa gilid niya. Hindi siya nakatingin sa akin.

"Waaah. Kenneth hindi ko akalain na manunuod ka niyan. Ewww " at nag acting ako na nasusuka.

"Ano ba! Hindi sa akin ito okay?, kay Neilson to!" Sabi ulit nito pero hindi parin nakatingin sa akin.

"Weee? "

"Bahala ka nga jan!" At inis itong umalis sa akin.

Bat nainis yun? Nagtatanong lang naman ah. Defensive lang eh noh? Tsk tsk.

Teka? O___o si Kenneth? Waaah sa kanya ito? Napatakip na lang ako sa bibig ko ng maalala ko ang pagsalo niya sa akin ng mahimatay ako. Hays may lagnat kasi ako ng araw na iyon at hindi ko sinabi sa kanila iyon dahil busy sila masyado kaya sinarili ko nalang. Umuulan yun diba? Hala so nagpaulan din si Kenneth?

Sinundan ko ng tingin ang gawi niya. Nakakonsensya. Ang rami kong nagawang kasalanan sa kanya pero nagawa niya parin akong iligtas.

"Ano gusto mong ulam?"

KNOW ME FIRSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon