Chapter 63

41 2 1
                                    

Chapter 63

]. Joy’s POV.[

“ Iwasan mo si Drew ! “

“ Layuan mo siya ank, He’s a dangerous man!”

“ Bakit hindi mo sinabi sa akin na Cervantes pala si Drew?! Split with him Joy.. you should! “

“ Joy, pinagloloko ka lang ni Drew !”

“ Joy humiwalay ka sakanya, sapagkat binibilog ka lang ni Drew, she just used you.!”

Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. Naguguluhan ako sa mga pangyayare. Halo halo na sa aking isipan. Simula noong event na iyon, naging ganito na, magulong magulo na. Hinawakan ko ang aking sentido, para bang nasa sa akin ang lahat ng problema ng isang presedente kung tutuusin.

Sumasakit ang ulo ko kakaisip, lagi akong tulala na parang temang, naglalakad na parang lumulutang sa ere. Binabalik ang mga pangyayare noong nangyare sa event. Dahil sa araw araw na akong ganito ay pinadoctor na nila ako, natrauma daw kasi ako sa nangyare, aaminin ko yun dahil kahit tuktok lang nila sa kwarto ko ay nagsusumigaw ako, ganoon din si Mom pero ako ang lumala masyado, dahil siguro pagkatapos ng kaganapan na iyon ay pinagalitan na nila agad ako tungkol kay Drew.
Napatayo ako sa kama, dahil hindi ko na kaya ang inis dahil sa mga tanong sa aking isip.

Ou may karapatan silang magalit, dahil ako din naman mismo ay hindi ko sinabi sa kanila na isang Cervantes si Drew, maski kasi ako ay nagulat ng ipakilala niya ang sarili niya bilang Mandate na isa sa mga sikat na botique sa Mall, noong rawa na ipinakilala ok siya sa pamilya ko pero dahil nadin sa takot ay hindi ko na ito kinompronta at hindi ko din sinabi kela Dad. Hays ngayon gusto na nilang hiwalayan ko si Drew. Para bang ang dali dali lang yun gawin.

May namuong luha sa aking mga mata. Gusto kong ibalik ang masayang pamilyang ito, pagkataposkasi ng event na iyon ay nag-iba na sila, si Papa hindi na siya masyado palakibo sa akin, dahil siguro din sa busy siya, ganoon din si Mama , si Ricards hindi na siya makapag gala dahil pareho kaming pinagbawalan ni Papa, kahit pupunta lang siya sa School ay may Gwardya na galing pa kela Young.

Ako? 1 week na akong absent sa school dahil iyon nga pinauwi ako dahil trauma, sabog lang ng isang chemical ay umiyak na ako ng todo, at isa pa madaming tsismosa. Kaya nakakaiwas din. Pero hanggang ngayon, yung balita ay hindi pa din nawawala, yeah minsan madaming reporter sa labas para hingin ang panig namin, pero once is enough diba? Paulit ulit pa din kaya minsan kumukuha kami ng pulis para paalisin sila.

Napatayo ako dahil sa gulat, nagvibrate kasi ang cellphone ko sa pwetan ko. Hays ang hirap . Pagkatapos kong mahismasan ay kinuha ko ito, pero unregistered yung number kaya kinabahan ako, hindi ko ito sinagot at pinabayaan lang na magvibrate.

Sino kaya to? Ah titigil din yan.

Tinawag ako ng kalikasan kaya pumunta muna ako ng Cr. Pagkataposkong gawin lahat ng seremonyas don ay bumalik ako sa kwarto ko at laking gulat ko pagtingin ko sa cellphone ko. 25 missed call all from that anonymous number? Amazing right? Hala baka nanalo ako sa mga prices sa mall. Ou nga baka ito na yun . Biglang nagring kaya sinagot ko agad ito.

("DID YOU FUCKING KNOW WHO I AM?!") nailayo ko nalang sa tenga ko ang cellphone ko ng mariniG ko ang sigaw sa kabilang linya. Waaah bat kasi nakaspeaker mode tong cp ko. Hays badtrip ata si Koya dahil ang tagal kong sinagot.

Ibinalik ko ulit ang cp ko sa tenga ko.

("HELLO!, nakikinig kaba?!")

(" Waaaah wag po kayong sumigaw. Sorry po, kung ngayon ko lang po sinagot dadi po nakaregister number niyo sa phone ko eh, at dahil pursigido po kayo kaya napagtanto ko na baka nanalo ako sa mga paligsaHan sa Mall. Nanalo po ba ako?")

KNOW ME FIRSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon