Chapter 62 - Wrangler Maxhianne Young

47 2 1
                                    

Chapter 62- Wrangler Maxhianne Young

].Wrangler Maxhianne Young .[

I was in a dream. A dream that I want to escape..

Madilim.. Lahat madilim.. Nasaan ako? Nandito na naman ba ako sa lugar na gusto kong matakasan ?

"Mooommmyy!!" tawag ng isang batang babae.

Napalingon ako sa narinig ko. Ano yun ? Sino yun? Lingon ako ng lingon . Bakit wala akong makitang tao. Alam kong may narinig ako. Maya maya pa ay napapikit nalang ako, dahil sa liwanag na nangagaling sa isang banda. At ng makarecover na ako ay nakita ko sila.

" Mommy.. Bakit pinangalanan akong Wrangler ? Ang panget tuloy..lagi niya akong tinatawag na Wramax "

Napatulala ako ng makita ko ang sarili ko. Nakayuko at nakapout sabay tingin sa mommy ko. Bakit? Bakit ko nakikita ito? Bakit.. bakit parang ngayon ko lang nakita ito? Totoo bang may ganitong nangyari sa buhay ko.? Tantya kong 9 years old ako on that time. At natatawa ako sa reaksyon ko. Ganito pala ako kacute? 
Ngumiti lang si Mommy at ginulo ang buhok ko na siyang inayos ko naman daw. Tinuloy nito ang pagbuburda.

"Mommy? Bakit hindi ako nag.aaral sa school gaya nila ate Jayleen at Kuya Wade ? Bakit nasa kwarto nalang ako lage at may strict na teacher ang nagtuturo sa akin? " tanong nito uli..

Biglang napahinto sa pagbuburda si Mommy at seryosong nakatingin sa akin. Napaluha ito at muling ginulo ang buhok ko.

"Bata ka pa kasi nak. " sabi nito

Bata? Pero dapat by 7 years old nasa school na ako at nag.aaral? Hindi ba talaga ako pinapapasok nila sa school? Ang dami ng tanong sa ulo ko ngayon. Gusto kong malaman kong anong rason ng panaginip na ito, at kung ano ang gustong ipahiwatig nito.

"Pero bakit si ate noong 9 years old siya nag-aaral na siya sa school ? " tanong ko ulit

Bigla na naman itong napahinto sa pagbuburda samantalang ako ay nagtataka parin kung bakit iyon ang nagyayari sa akin.

"Bakit.. bakit hindi ako pinapalabas dito sa Kwarto ko? Bakit dito nalang ako kumakain lage, lagi niyong nilolock ang pinto at hindi ako pinapalabas kung may gathering dito sa mansion ? "

Nabigla ako sa narinig ko. Ako? Kinukulong ako at hindi sinasama sa mga gatherings? Tumingin ako sa sarili ko noon. May mga bruises ang mga kamay nito at ang pisngi ay may pasa. Inaano ako nila? Bakit? Napahawak ako sa bibig ko dahil sa hindi makapaniwalang narinig ko. Muli akong lumingon sa kanila.

Ako, isang batang parang walang kaalam alam kung bakit ako kinukulong. Nakakaawa. Ang inosente. Bigla akong niyakap ni Mommy at napahikbi ito.

"Mommy, bat ka po umiiyak? Dahil ba, hindi ako love ni Dad, at lagi niya akong pinapagalitan at siasaktan?" napahikbi nadin ako.

"Shhh love ka ni Dad. And anong sabi mo lagi ka niyang sinasaktan? "

Bigla itong tumango. May Namoong galit sa aking dibdib. Kinulong, tapos sinasaktan pa? Anong meron sa akin at ginaganon ni Sir? Tumayo si Mommy at lalabas na sana pero bigla nalang pumasok sI Daddy at nagtaka kung bakit nandoon si Mommy.

"Ano ang ginagawa mo dito?" galit na saad ni Sir.
Tumayo si Mommy at ako naman ay tumakbo sa higaan at nagtalukbong ng kumot. Biglang tumayo si Mommy at galit na hinarap si Sir.

" Leonard ano to ?! Bakit mo sinasaktan ang anak natin !" sigaw ni Mommy.

" Wrangler! Baba sa kama !" hindi ito pinansin si Mommy. Ako naman, ang munting ako ay umiiyak na at takot na takot na bumaba sa kama.

KNOW ME FIRSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon