Chapter 41 : Fieldtrip in Palawan Day 1

21.5K 572 42
                                    

Pleige's POV

1 Linggo na ang nakakalipas simula noong maconfine kami ni Christel dun sa Ospital. Nakwento na din sa akin ni Aila na nakidnap pala si Christel nung mga Invisible Minister, pero sure akong may nag utos sa kanila.

Kasalukuyan akong nag aayos ng aking mga gamit. Ngayon kasi yung 3 Day Trip namin sa Palawan. 

"Nanayyyyyy Piyaaaa!!" tawag ko dun sa yaya ko. Nanay na ang tawag ko sa kanya kasi bata pa lang ako sya na ang nag aalaga sa akin.

" Ano iyon anak ?" tanong ni Nanay Piya sa akin.

" Nay tulungan mo nga po akong magpack ng mga gamit ko. Hehehehe pag kasi ako ang nag ayos hindi magkasya pero pag ikaw easyng easy. Kasyang kasya " mahaba kong paliwanag

"Haha ito talagang batang to" sabi ni Nanay Piya tas inayos na nya yung mga gamit ko. Maya maya ay natapos na rin siya.

"Ito lang ba ang dadalhin mo ? hindi ba pa beach din kayo ? Bat hindi mo dalhin yung mga swimsuits mo ? para sexy ka haha" pabirong sabi sa akin ni Nanay Piya

" Si Nanay ba haha alam mo namang naka disguise ako ngayon diba ? kaya bawal muna yung mga yun haha chaka nalang. SOON" sabi ko hahaha. 

" Ay oo nga pala sayang hindi nila makikita ang kasexyhan mo." sabi ni Nanay.

" Ayos lang po yun Nay " sabi ko naman.

Tok~tok~tok

"Excuse me po Maam. Nandyan na po yung mga kaibigan nyo sa baba." sabi nung isa naming Maid. Magdadaanan daw kasi kami. Nagprisinta yung boys na sila ang susundo sa amin Go lang naman kami

" Ah ganun ba ok sige, susunod na ako. Nanayyyyy Salamat po sa pagtulong sa akin. Pakisabi nalang po kina Mommy na aalis na po ako. Hindi ko na sila ginising maagap pa po eh. " sabi ko sa kaniya. 3:00 AM pa lang kasi.

" Sige iha, Ingat ka dun ha" sabi naman ni Nanay Piya. Humalik muna ako sa Pisngi niya bago umalis.

" Bye bye Nanay" sabi ko habang na wave pa ang kamay.

Bumaba na ako. Naabutan ko si Andrei na nakaupo dun sa sala namin.

" Asan sila ? "tanong ko sa kaniya

" Nandun sa van. Ako nalang ang pinababa nila" sabi ni Andrei habang naka poker face pa. Iya balik nanaman sa dati.

" Ah ganun. Sige dali na iniintay na tayo nila."sabi ko sabay hila na sa kanya palabas.

"Sa wakas dumating din kayo. Tagal nyo. kala ko nagmimilagro na kayo dun sa loob eh" sabi ni Darryl sa amin.

" Ulul. Itong si Kate ang tagal kasing gumayak." sabi ni Andrei

" Ayan ang tagal nyo kasi kaya dun kayong dalawa sa hulihan uupo. Hahaha" sabi ni Darryl.

Pumwesto na kami dun sa likod. Nagsimula na si kuyang Driver papuntang Airport. Yeah fieldtrip naka airplane imba ang school namin ay.

Dahil medyo malayo layo din naman yung airport ay natulog na muna ako tutal naman wala akong makakausap dito dahil lahat ay tulog


"PLEIGE ! ANDREI ! MAGLALANDFALL YUNG EROPLANO KAPIT KAYO SA ISA'T ISA BILIS !!!!" nagising ako nung sumigaw at niyakap ko nga yung katabi ko kung sino mang pontio pilato ito. Mamamatay na akoooooooooo.

Natauhan ako nung bigalang may nagflash ng camera sa amin. 

" Sus yun lang naman pala ang magpapagising sa inyong dalawa mga tulog mantika." sabi ni  Darryl

Story of The Nerd  Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon