Chapter 68: B (AZ'S POV)

4.9K 102 5
                                    

Third Person's POV

Flashback

3 years ago

Ngayong gabi ang laban ng mga baguhan na Black warriors, laban sa Black death na pinamumunuan ng pinuno nito na si Zarious.

Kampanteng kampante ang mga kampo ng black death dahil naniniwala silang madaling talunin ang mga ito dahil baguhan lang sila at pawang mga Minor de edad pa.

''Welcome Dark Princess" panimula ni Zarious ng dumating ang Dark Warriors

''Wag na puro salita tanda,simulan na agad natin ito ng matapos na agad'' matapang na sagot ni Dark Princess. Natigilan naman si Zarious sa sinabi nito at unti unting nagliyab ang mga mata sa galit.

''Masyado kang mainit bata, kung yan ang gusto mo, sige''pagkasabi niya nung mga katagang yun ay bigla nalang may sumugod na mga alagad nila.

Mabilis ang pakiramdam nila Dark Princess kaya nagawa nilang iwasan ang mga nakaambang suntok mula sa kalaban.

Pinapanuod lang sila ni Zarious, unti unti na itong kinakabahan dahil natatalo ng mabilis ang kanyang mga alagad.

''Hindi maari'' bulong nito. 

Ang mga galaw nitong baguhan na ito ay parang mga propesyonal na. Mabilis at alerto lagi. 

Nung makita nito na paubos na ang mga alagad niya ay sumenyas siya mula sa kanyang kanang kamay na nasa may di kalayuan na nakahanda ang sniper.

Walang kaalam alam ang Dark Warriors sa nakaambang kapahamakan sa kanila. Madaya, yan ang Black death, wala sa kanilang usapan ang pagdadala ng mga armas, pero lumabag sa usapan nila ang Black death, pinaghandaan talaga nila ito, kasi ayaw nilang matalo.

Muling sumenyas si Zarious sa kanyang kanang kamay nung makita niyang wala nang kalaban ang Dark warriors

''Dark Princess!!'' ngunit napansin ito ni Black Temrpess at agad nawarningan si Dark Princess.

''Bwisit'' bulong ni Zarious nang makitang dumaplis lang ang bala sa braso nito.

''Lintek ka, Tanda !" sigaw ni Dark Princess sabay bato ng isang patalim patungo dun sa kinaroroonan ng kanyang kanang kamay. Agad natamaan ang kanyang kanang kamay at bumagsak dun.

''Traydor ka Zarious'' sigaw nito sabay sugod kay Zarious. 

Sinakal agad ito ni Dark Princess

''Diba ang usapan walang gagamit ng armas?! Manlilinlang ka talaga" galit na galit na sabi nito habang sakal sakal ang matanda. Sinuntok naman ni Zarious si Dark Princess sa tiyan kaya nakawala ito sa sakal.

Sinugod ito ulit ni Dark Princess at agad ng pinagsusuntok. Nakaramdam ng pagsakit sa dibdib ang matanda, kaya nanghina ito at unti unting bumagsak sa sahig. Samantalang wala namang awat sa pagsuntok si Dark Priincess

''T-Tama na'' nanghihinang sambit ni Zarious na patuloy pa rin ang pagsakit ng dibdib, mukhang inaatake na ito ng sakit  niya.

''Bagay lang yan sayo, traydor'' ngunit nagliliyab pa rin sa galit si Dark Princess. Muli niya itong sinuntok

''Tama na yan, Dark Princess'' pag awat ng mga myembro nito. Agad naman natauhan si Dark Princess at tiinigil na ang ginagawa nito.

''Sana'y naging aral to sayo Tandang Zarious, hindi lang yan ang aabutin mo pag lumabag ka ulit sa kasunduan, hanggang sa muli'' sambit ni Dark Princess at tska patakbong umalis. Naiwan naman dun si Zarious na namimilipit sa sakit.

''Arrrrgh'' sigaw nito habang nakahawak sa dibdib, galit na galit siya sa ginawa ni Dark Princess pero hindi siya makalaban, para siyang tuod na walang magawa.

Story of The Nerd  Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon