Chapter 65: Y

5.4K 116 12
                                    

Pleige's POV

''Hoy Saffari Pleige Kate F. Buenaventuraaaa, baka gusto mong gumising na ano !!" nakarinig ako ng sumisigaw  mula dito sa kwarto ko. Hindi ko pinansin inaantok pa ako

Maya maya naramdaman kong sumampa ito sa kama ko at nag tatalon duon habang nakanta pa

''Happy Birthday to youuuu, you belong to the zoo like a monkey like a donkey the gorilla is you !! Happy Birthday sa Gurang kong kapatid !!!" sigaw nito habang nagtatalon sa kama

''MOZIELLAAAA, STOB IT !" bangon ko sabay tanggal nun sleeping mask ko.

''Omaygash bruha, anyare sayo ate ? bat pugto ang mata mo? ang gulo ng buhok mo? muka kang nirape dyan. At tsaka hoy prinsesa 1pm na. Over tulog ka na'' sabi nito

''Psh, may maganda bang bagong gising tabi dyan. Wala akong paki kung anong oras na'' sabi ko sabay tayo papuntang banyo

"Meron kaya, ako ate !! bagong gising dyosa na paano pa kaya pag nag ayos na'' pagmamayabang nito

''Yah yah, ikaw na maganda'' pag sang ayon ko nalang

''Baba ka na daw ate, para makapag brunch ka na, pupunta na dito ang make up artist mo. OTW na'' sabi nito habang naglalakad palabas

''OTW psh, On the Water pa yun'' sagot ko

After 2 hours

3pm na, Kasalukuyang iniintay namin ang make up artist ko, sinasabi ko na nga ba yung OTW nila ay On the Water pa lang eh, malayo pa man din ang ibyabyahe nila papunta dito

Ding ~ Dong

''Ate baka yan na yung make up artist mo'' sabi ni Moziella

Agad naman itong binuksan nung isang maid namin.

''Good Afternoon !!! Surprise surprise ! Happy Birthday !!'' biglang bumungad sa akin yung girls may mga kasamang make up artist

"Anong ginagawa nyo dito?'' tanong ko

''Dito kami mag papaayos, at ito na nga pala yung make up artist mo nakasalubong namin sa labas'' sabi ni Mariejoy

''Payag naman si Tita na dito na rin kami mag ayos'' sabi pa ni Jeanelle tumango nanaman ako para tapos  na ang usap

Nag set up na yung mga make up artist nila dun sa Living room namin, ang crowded tuloy haha buti nalang ako sa kwarto ko aayusan

''Bye na girls ! see you in a bit'' pag papaalam ko sa kanila habang nataas sa hagdan

''Sige, mga teh ! pagandahin nyo po yang babaeng yan, muka kasing stress sa buhay hahaha'' pahabol ni Angela

''Oo nga po pakitago yung eyebugs para di mukang panda'' pag segunda ni Christel kaya napailing nalang ako sa kanila

Nagset up na sila ng mga gagamitin, tapos pag katapos ay sinimulan na nila akong ayusan

Pagkatapos ng halos isang't kalahating oras nilang pag pipinta sa mukah ko at pagmumurder sa buhok ko ay natapos na rin sila

''Yahh, Maam ! Pak na pak, ang ganda mo po lalo'' sabi nung isang bakla nginitian ko lang ito

''Oo nga mader, swerte ng boyfriend mo sayo'' sabi nung isa pa na nagayos ng buhok ko

''Yes naman, sobrang swerte si Andrei sa kanya !!'' biglang nagsidatingan ang mga kaibigan ko

''Oo nga I second the motion'' sabi ni Jeanelle

''Ang ganda ng bestfriend ko ah! iba din'' sabi ni Angela

''Kayo din naman from dugyot to goddess'' pambobola ko

Story of The Nerd  Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon