Chapter 10 : Carl the EX and Andrei The Bully

31K 748 17
                                    

"Relationships are like GLASS. Sometimes it is better to LEAVE them BROKEN than try to HURT yourself putting it back TOGETHER" - Unknown

________________

"Shet ang dami naming pwedeng makatabi bat si MR. KAAWAY PA AT SI EX BF ?"

"Hello Ms. FLYING KICK hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa mo sa aken sa Mall akala mo hindi kita makikilala ha ? " sabi ni Andrei nako po nakilala po niya ako

Nako po anong mangyayari pag katabi ko tong dalawa shete hindi ako mapakali

________________

Pleige's POV

Tahimik lang akong nakikinig kay Maam hindi ako mapakali sa upuan ko tsk. Medyo AWKWARD.Nag didiscuss si Maam Romero about sa Calculus shete lugaw na lugaw na ang utak ko ditto eh ang hirap naman kasi. Tumingin ako sa mga katabi ko. Si Carl Nakikinig samantalang ung isa tulog ng tulog. Magising nga matawag pa siya ni Maam kawawa naman .

"Oi Gising" bulong ko sa kanya habang tinutusok ung pisngi niya

"Hmmmmm " bahagya siyang gumalaw pero hindi parin nagising

" Hoy Gising Kuya! Kuya! oy! " Kinulit ko pa sinundot ko pa lalo yung pisngi niya. Nagulat ako nung bigla niyang hinuli yung kamay ko sabay tayo sa kanyang upuan

"ANO BA?! NATUTULOG UNG TAO GIGISINGIN MO!! " omo. galet po ang kuya -.- care ko tulog siya ng tulog nagmamagandang luob lng naman kasi ako baka kasi matawag siya ni Maam eh

"Mr. MONTEVERDE! YOU'RE SLEEPING IN MY CLASS ? " sabi ni Maam

" Eh maam ano po " pinutol ni Maam ang sasabihin ni Andrei

"Answer the problem in the board." Diretsong sabi ni Maam kay Andrei

"Eh maam--"

"NOW ! " napatayo naman si Andrei ng biglang sumigaw si Maam . Bago siya naglakad patungo sa blackboard nag DEATH GLARE muna siya sa aken

"Hahahaha " narinig ko naman na may nag chuckle sa tabi ko pagtingin ko natawa si Carl. Oh how I missed that Laugh . Napangiti ako sa kanya

"Ang kulet mo kasi yare ka kay Andrei mamaya " sabi niya sa aken sabay gulo ng buhok ko Nawala ang mga ngiti ko ng may na alala ako.  Tanda ko pa dati ginagawa din niya sa aken ito  pagnagtatampo ako sa kanya .

"Oh bat bigla kang  nalungkot ? " tanong niya sa aken

"Ah wala lang may naalala lang ako" Palusot ko nalang sa kanya

"Ah nga pala Carl Erdwin Ylves " bigla niyang nilahad ang mga palad niya sa aken. Hindi na niya ako natatandaan ? Kung sabagay ang laki rin naman ang pinagbago ng itsura ko kumpara sa dati.

Sabi nga nila "MOVE ON , Its just a CHAPTER in the PAST. But don't CLOSE the book . Just TURN the PAGES. "  Siguro nga si Carl ay isa lang CHARACTER sa aking PAST na bubuo sa CHAPTER ng aking buhay. Kailangan ko na talagang mag MOVE ON dahil diyos na ang may gawa kung bakit kami naghiwalay, siguro may ibang lalake na talagang nakalaan sa para sa akin ung mamahalin ako ng buong buo.

So para hindi masayang ang pinagsamahan naming ni Carl magpapakilala ako sa kanya at makikipagkaibigan, hindi naman siguro masama ang makipagkaibigan sa EX nya diba ?

"Saffari PLEIGE Kate Friv Buenabetura .Nice meeting you, AGAIN  " tinanggap ko ang pakikipagkamay niya sa aken. Tila naman naestatwa siya sa kanyang kinatatayuan ngayon. Bakas sa muka niya ang pagkagulat

"P-Plei-ge I-ikaw ba talaga y-yan ? " Hindi makapaliwanag na tanong sa akin ni Carl

" Hahaha ako nga Carl " sabi ko naman sa kanya

Story of The Nerd  Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon