Chapter 44 : Untitled

19.1K 559 81
                                    

Pleige's POV

 "Nagtatanong pa ba ito , Sino yung lalakeng yun ? Syempre ikaw. Bat ko sasagutin si Carl kung ikaw naman ang sinisigaw ng puso ko ? Mahal kita Andrei" nasabi ko din sa kanya. Siya naman ay biglang nanlaki ang mata.

"A-ano ? tama ba ang narinig ko ?" tanong naman niya sa akin. Aisssh ulit ulit ?

"O-oo >////<" sabi ko nalang sabay iwas ng tingin dahil kinikilig ako

"Ganun ? pano kung sabihin ko sayo na hindi kita Gusto ?" sabi niya sa akin Aray ha. Direstsahan talaga. Oo na alam ko naman na hindi mo talaga ako gusto

"Ayos lang" sabi ko sabay talikod sa kanya. Ang sakit mabusted </3

"Pfft-hahahaa" narinig ko namansiya na natawa sa likod ko 

"Bakit ka natawa ???? Ang sakit kayang mabusted, tapos tatawanan mo lang ako ha ?!. Ang sama mo talaga !" pagalit kong sabi sa kanya.

"Ito naman nagagalit agad." sabi niya sa akin

"Awan sa iyo" pagalit ko pa rin sabi sa kanya.

"Hindi kasi kita Gusto,  Kate, Mahal kasi Kita"  sabi niya sa akin. Ano ? daw grabi parang nabingi ako sa sinabi niya.

"W-what ? totoo ba yun ? jinojoke time mo ako no ?" tanong ko sa kanya

"Muka ba akong nagjojoke ? Seryoso ako Kate, Mahal kita.  Naging denial lang ako nung una, pero nitong mga nagdaan na araw. Nung iniiwasan kita. I just realized na Mahal nga kita. Dahil sa bawat pag iwas ko sayo, para din sinasaksak ang puso ko. Masakit pala." seryoso niyang sabi. Hindi naman ako nakaimik. Speechless.

"Hoy ano na ? pagkatapos kong umamin matutulala ka nalang dyan.? Psh" sabi niya sa akin

" I love you Asungot " bigla nalang yun lumabas sa bibig ko. Nakita ko nalang na parang namula siya. Kahit sa dilim kita ehh.

">///<  I love you too, three, four, FOREVER" sagot naman niya sa akin. Syet. Best day Ever ko to.

"Kate, Pwede ba--" hindi na natuloy ni Drei yung sasabihin niya dahil biglang nagbukas yung pintuan tapos iniluwa ung mga kaibigan namin.

"Aray ! Aray ko ! Ayan tuloy nabukasan, Ang gulo nyo kasi" biglang umimik si Christel

"Aba si Mariejoy ang gulo gulo" sabi ni Jeanelle

"Aba hindi kaya '! Si Darryl kaya ang gulo hindi daw nya marinig" sabi naman ni Mariejoy, kami naman natulala lang dito ni Drei

"EHEM " biglang nagfake cough si Drei, kaya natigil ang pagtatalo nila.

"Hehehe boss bakit ?" sabi ni Darryl. Nagdeath glare lang si Drei sa kanya

"Yan kasi ! ang gugulo nyo may kasunod pa sana yung sasabihin ni Andrei ay !" pagsisi ni Christel dun kina Darryl

"Hep hep ! tama na magsisimula nanaman kayo dyan." pag awat ko sa kanila. Magtatalo nanaman kasi. Natigil naman sila dahil dun.

"Panira din kayo ng moment ano ? Psh" naaasar na sabi ni Drei

"Asus. Sorry na, kung hindi naman dahil sa amin. Hindi kayo magkakaaminan yieeeeeeee" panloloko ni Darryl sa amin. bigla naman kaming namula dahil dun.

"Namumula sila ohhhhh. Picturan nyo. Tapos upload nyo, tag nyo ako. Lagyan nyo ng caption #KanDrei feels hahahahahhaha" pang aasar sa amin ni Darryl

"Ewan ko sayo David !"  sabi ni Andrei na napapa iling lang.

"Ano muna sana yung sasabihin mo kanina Andrei?" tanong ni Motz sa kanya

"Wala !" sabi naman ni Andrei

Story of The Nerd  Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon