EPILOGUE

9.8K 193 29
                                    

Pleige's POV

After 15 years

''Mommy!! Dali na po. Asan na po Si Papi? Pupunta napo dito si Papi?'' pangungulit sa akin ng aking anak.

''Leigh, wag ka ngang makulit, may ginagawa pa si Mommy'' pagsaway ng nakakatanda nitong kapatid.

Yes I have 2 kids, 1 boy and 1 girl. Aurora Nikoleigh (5 yrs old) and Antonio Nikkolo (8 yrs old). Ang bilis ng panahon I'm aging and turning 33 years old this year.

''Sige na, magready na kayo pupunta tayo sa Cemetery, dun nalang daw pupunta si Papi ehh'' nakangiti kong sabi sa kanila habang nilalagay ang mga gamit namin.

Lumabas na kami ng bahay at sumakay sa kotse. Pupunta kami ngayon sa sementeryo para dalawin sya.

Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga ng maalala ang lahat, miss ko na siya. Kung andito kaya siya ano ang mangyayari?

''Mommy, asan na si Papi Carl?" tanong ni Leigh

''Oo nga Ma'' pagsegunda ni Nikkolo

''Papunta na din dun si Papi Carl nyo, galing pa kasi siya sa work.'' tugon ko sa kanila habang nagdridrive.

''Okay po'' sagot nila.

Natahimik na ang loob ng kotse. Habang nagdridrive ay napapasulyap ako kung ano ang ginagawa ng mga anak ko sa likuran.

''Kuya atutulog si Nicoleigh'' mahinang ungot ng bunso ko, naglalambing nanaman sa Kuya niya.

''Sige higa ka muna kay Kuya habang wala pa tayo sa Cemetery, gigisingin nalang kita pag nandun na tayo'' sagot ni Nikko habang inaalalayan si Leigh na humiga sa lap niya

Napangiti nalang ako sa nakita ko. Kahit aso't pusa yang mga yan ay talagang hindi matatago na mahal na mahal nila ang isa't isa. May pagkamalambing si Leigh sa kuya nya, protective naman si Nikko sa kanya.

Pagkatapos ng halos 30 minutes na byahe ay nakarating na kami sa sementeryo. Ginising ko na din ang mga anak ko na nakatulog na pala sa may likuran

''Nikkolo, Nicoleigh, nandito na tayo gising na'' pangigising ko sa kanila, una namang nagising si Nikko sabay tapik ng mahina kay Leigh para magising ito

''Mommy si Papi Carl, nandyan na?" yan ang unang tinanong ni Leigh pagkamulat niya ng mata natawa naman ako at nag pout

''Lagi nalang si Papi Carl nyo ang hanap nyo, di nyo ba Love si Mommy ?" tanong ko sa kanila habang nakapout

''Of course not, we love you Mom'' cool na sagot ni Nikko sabay thumbs up pa at flying kiss sa akin.

''Best Mommy ever" sambit naman ni Leigh sabay yapos sa akin at kiss.

"Sweet naman ng mga babies ko pakiss nga dali" sagot ko sabay akmang kikiss sa kanila

''Ewww. Ma, I'm not a baby anymore" sagot ni Nikko sabay labas na ng kotse. Ayaw nya sa kiss ko? -3-

''Mommy ako nalang kiss mo!" sagot ni Leigh, ngumiti naman ako sabay kiss sa kanya sa pingi

Bumaba na kaming dalawa sa kotse, kinuha ko muna yung bulaklak at kandila at tsaka inakay si Leigh at Nikko. Mukhang kami ang nauna wala pa si Carl dito

Nilapag ko ang bulaklak, sinindihan ang dalwang kandila at pinagmasdan ang puntod nilang dalawa, parang kelan lang. Nagflashback tuloy ang mga alala ko nung araw nayun.

FLAHBACK

"Wala na sya" Nagbagsakan ang mga luha sa mata ko. Parang biglang nagdilim ang sistema ko.

Story of The Nerd  Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon