Chapter 56: Past VS. Present

12.7K 353 350
                                    

Pleige's POV

"Dylan ?!!" gulat na tanong ni Xindra ng makita si Darryl, galing kasi siyang Restroom kanina. Bigla itong tumakbo papalapit sa kanya sabay yakap pa dito. Nagkatinginan naman kami. What is the Meaning of this ?

"L-lexi ?" sambit naman ni Darryl na parang nakakita ng multo. Anong kaguluhan ito ??

"The one and Only. Yaaaaa  Zie, Lawrence,  Kiel namiss ko kayo" pahabol pa nya sabay yakap kina JohnMark, Motz at Kim. 

"Magkakakilala ba kayo ni Darryl ? Wag mong sabihin na yan ang Ex mong mukang paa ??" nagtatakang tanong ni Aila.Tapos tiningnan niya ng masama si Darryl

"N-no Babe. Hindi ko sya Ex" sabi naman ni Darryl. Nanatili lang na nakatingin sa kanya si Aila

"Wait omaygash ibig sabihin sya si Darryl na sabi mong boyfriend mo ??!" sabi naman ni Xindra habang tinuturo si Darryl . Napatango naman si Aila.

"Omaygassh. Tapos sila yung mga boyfriend nyo rin ?" turo ni Xindra kina Motz tumango naman sina Mariejoy.

"What a coincident. Kakilala ko sila, friends ko yang mga yan. Kaya naman pala parang kilala ko na yung mga boyfriend nyo habang dinidescribe nyo palang" sabi naman ni Xindra. Hindi pa rin kami nakaimik nag sisink- in pa rin sa amin ang mga pangyayari

"Wait, bago ang lahat. Dylan !! congratulation. Hindi ka na playboy, wag mong paglalaruan yang si Aila ha nako yari ka sa akin" sabi ni Xinohdra kay Darryl medyo ngumiti lang si Darryl  sinabi niya

"G-ganun talaga. Nagbabago rin talaga ang mga tao" sagot naman ni Darryl

"Ikaw naman Zie, sinong girlfriend mo sa mga yan ?" tanong ni Xindra kay JohnMark

"Ako lang naman. Bakit aangal ka ?" mataray na tanong ni Christel sabay lapit kay JohnMark.

"Ohh so sya pala ang under dhaddie mo. HAHAHA" sabi ni Xindra sabay tawa. Lumapit naman siya kay Kim at tsaka ito hinawakan sa braso.

"Ehh ikaw Kiel ?? sino ang girlfriend" sabi ni Xindra lumapit naman agad si Jeanelle sa kanya at tsaka hinatak si Kim

"Oy oy layuan mo ang boyfriend ko. Taken na yang kapreng yan" sabi naman ni Jeanelle. 

"Haha sorry na Jeanelle. Edi ibig sabihin Lawrence ikaw ang boyfriend ni Mariejoy ?" tanong ni Xindra kay Motz tumango naman ito.

"H-huwawww mukang close na close kayo ano ? may kanya kanya ka pang tawag sa mga boyfriend namin ? hahaha" nakangiting sabi ni Mariejoy

"Haha oo naman. Yun kasi ang pakilala nila sa akin dati nung pinakilala ako nung boyfriend ko dati sa kanila. Sila daw si Lawrence, si Zieriko at si Ezshikiel" pagpapaliwanag ni Xindra. Boyfriend nya ?? Kinabahan naman ako pagkarinig ko nun

Si kuyang mukang paa ang tawag namin sa boyfriend niya noon. Dahil hindi niya pinapakilala ito sa amin dati kaya akala namin pangit ang boyfriend nya kasi ayaw nyang ipakilala ehh. Kaya naging kuyang mukang paa nalang ang tawag namin.

"Boyfriend mo ?? si kuyang mukang paa ?" tanong ni Aila

"Ang sama nyo sabing hindi sya mukang paa. Nako pag nagkita ulit kaming dalawa. At pag naging kami ulit nako, maiinggit kayo sa gwapo nun " sabi ni Xindra sa amin.

"Maging kayo ulit ?" tanong nila Darryl sa kanya

"Oo bakit ? kaya nga ako umuwi dito sa Pilipinas para balikan siya, para humingi ng tawad at para maayos ulit ang dati naming relasyon" sabi ni Xindra.Nagkatinginan naman sina Darryl at napailing nalang.

"Paano kung hindi na katulad ng dati Lexi ? paano kung may iba na sya ?" tanong naman ni Motz.

"Sus hindi yun mangyayari. Akin pa rin siya, akin lang. Hindi ako nun ipagpapalit. Nangako sya sa akin dati " masayang sabi ni Xindra.  "Yanga pala Pleige, asan na yung boyfriend mo ? akala ko ba pupunta sya dito ?" tanong ni Xindra sa akin

Story of The Nerd  Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon