Angela's POV
Kring !!Kring ! *Tunog ng alarm clock*
"Hmm" agad akong nagising dahil sa alarm clock kong maingay.
"Anong oras na ba" mahina kong sabi sa sarili ko. Tiningnan ko ang orasan and it's already 9 in the Morning.
Omaygassssh. This is it. This is the Day. Ang Engagement Party namin. Dito ako natulog sa condo ko. Mamaya nalang ako pupunta sa bahay magulo pa dun dahil busy sila psh. Wala nanamang problema, ayos na kami ni Carl and lately nagiging malapit na kami sa isa't isa.
"Awww. Ouch" bigla akong may narinig akong maingay sa labas ng kwarto ko.
"Omaygash. Baka may magnanakaw dito" bulong ko.
Humanap kaagad ako ng pamalo sakto nakakita ako ng walis tambo dun sa corner ng room ko naiwan ata nung naglilinis dito. Dahan dahan akong lumabas sa kwarto ko
"Aissh" sinundan ko yung boses at nandun ito sa kitchen ko. Aba't namumungkal ata ng pagkain yung magnanakaw na yun. Pumunta ako dun sa kitchen at dahang dahan sumilip
Nakakita ako nang isang lalakeng nagluluto ?? Habang nakasuot nung Apron kong hello kitty na color pink. Pinanuod ko lang siyang nagluluto.
"Ayos na kaya to ?" tanong niya sa sarili niya. That voice.... di ako magkakamali. Humarap yung lalake para kunin yung plate.
"Carl " pagtawag ko sa kanya. Nagulat naman ata siya kaya nabitawan niya yung plato.
"Gising ka na pala" sabi niya. Ako naman ay gumalaw agad para puntahan siya.
"Hep hep !! dyan ka lang. Baka mabubog ka ohh. Wala ka pang slipper. " sabi niya.Kaya napatigil ako sa paglakad
Nagsimula na syang magpulot nung mga bubog ako naman ay nakatingin lang sa kanya. Haha ang cute nya. Bagay sa kanya yung Apron ko . Pagkatapos nyang linisin yung mga kalat ay pinaupo niya ako dun sa kitchen counter.
"Nag aano ka dito ? pano ka nakapasok ?" tanong ko sa kanya pagkaupo ko. Siya naman ay nanatiling nakatalikod dun
"Hmm wala lang, gusto ko lang sana ipagluto ng breakfast ang soon to be Mrs Ylvis ko eh. Pinilit kong magluto para sayo kahit hindi naman ako maalam. Paano ako nakapasok ? naiwan mo kayang nakabukas ang pintuan mo hindi sya nakalock . Buti nalang ako ang nakapasok dito hindi yung mga masasamang loob. Nako kung hindi baka kung ano nagawa na nila sayo at baka kung ano rin ang magawa ko sa kanila" sabi niya sabay harap sa akin dala yung mga niluto nya bat parang kinikilig ako sa sinabi nya ?
Nilapag niya yung mga niluto niya sa harap ko. Isang sunog na bacon, scramble eggs ba yun ? tapos garlic rice.
"Sorry nasunog yung bacon. Sorry din naging scramble yung eggs hehe pero buo sana yan nasira lang. Tas Garlic Rice nagtanong pa ako kay Manang kung pano lutuin yan." sabi niya sa akin na parang nahihiya. Napangiti naman ako. Syetness ang effort nya.
"Bat ka nagsosorry ? haha ayos lang yan. At least you did your best para lang ipagluto ako. Kakainin ko yan luto mo eh. Salamat ^.^ " nakangiti kong sabi sa kanya. Tinikman ko yung luto niya.
Ayos naman yung lasa ng garlic rice pati yung egg kaso sunog lang talaga yung bacon. Pero kinain ko pa din
"Hmmm masarap naman sya" sabi ko
"Bola" sabi niya sabay bato sa akin nung apron na suot nya.
"Hindi kaya tunay nga tikman mo " sabi ko at sinubuan sya nung luto nya "Ohhhh diba masarap ?" tanong ko sa kanya pagkasubo nya
"Hindi nga lasang sunog yung bacon" sabi niya
"Bat mo kasi sinunog. Ayos naman yung garlic rice at egg ahhh " sabi ko
BINABASA MO ANG
Story of The Nerd Gangster Princess
Teen Fiction"Akala ng iba Simpleng NERD lang ako na pwede nilang api-apihin Pero nagkakamali sila. AKO ata ang Tinaguriang nilang pinakamalakas na GANGSTER PRINCESS - Pleige Highest Rank #1 Nerd