Chapter 55: Planning

8.7K 245 32
                                    

Pleige's POV

Kasalukuyan akong nasa car kasama si Xindra, pupunta kasi kami dun sa isa sa mga restaurants nina Mariejoy tapos dun kami magkikita kita para mapagusapan kung ano pang plano para sa debut ko. 

"Anong oras na Xindra ?" tanong ko sa kanya.

"10AM  na Cous, hala late na tayo usapan ay 9AM" sabi niya

"HAHAHA hayaan mo na sabi ko naman OTW na tayo eh" sagot ko naman sa kanya.

Pagkaraan ng ilang minuto ay nakarating na kami dun sa restaurant na pag kikitaan namin. 

"Dali na Cous, excited na akong mameet ulit sila yayyy " excited na sabi ni Xindra habang hinihila hila pa ako

Magkakakilala na talaga kaming lahat childhood friends ko nga sila Mariejoy kaya hindi malabong hindi nila makikilala si Xindra. Kaibigan din nila ang pinsan ko 

"Ayun sila ohhh" turo ni Xindra kung saan naroroon yung mga kaibigan ko. Bat parang walang tao itong restaurant ? Medyo tanghali na din ?

"YAAAAAAAA Namiss ko kayong lahat" sabi ni Xindra pag dating namin doon.

"Ay sino ka ?" sabi ni Mariejoy

"Sino to ? kilala nyo ba to ?" sabi naman ni Christel

"Ouch kayo ha, nawala lang ako ng ilang taon kinalimutan nyo na ako. " sabi ni Xindra habang nakapout pa.

"Sino ka ba ? nagka amnesia kasi kami eh" sabi naman ni Jeanelle. 

"Si Xindra. The one and only, ang pinakamagandang babae sa balat ng Earth" sagot naman niya

"Ayy di kami papayag sa ganyan. At isa pa saang banda Xindra ? "Biglang angal ni Mariejoy

"Why ? tunay kaya hahaha" sabi naman nito

"Kapal mo din ano. Nagibang bansa ka lang ganyan ka na ha?" seryosong sabi ni Christel sa kanya " Kung ganyan ay. NASAN ANG PASALUBONG NAMIN ??!" pahabol pa nya sa dulo

"Oo nga we agree. Hindi ka namin tatanggapin hanggat wala kang binibigay na pasalubong sa amin :P" sabi ni Aila sa kanya

"To naman mga to, kinabahan ako dun ah. Nasa bahay na ready na yun para sa inyo" sagot nito. Nag ning ning naman ang mga mata ng kaibigan ko. Napailing nalang ako.

"Yown Chocolates. Pero maiba tayo. Kala nyo makakaligtas kayo sa amin ha ?! Anong oras ba ng usapan natin ? 10AM ba ? balita ko kasi 9AM eh. " sabi naman ni Mariejoy.

"Oo nga. Grabe isipin nyo 8:45 AM. OTW na daw sila. Grabe ano ? kala mo napakalayo ng bahay ay dito lang yun malapit mga 15 minutes lang." sabi naman ni Christel

"Sorry na. Actually kasi kakagising ko lang nung 8:45 kanina hihi sorry na" sabi ko naman sa kanila sabay peace sign pa.

"Ayos lang. May isa pa namang bruhildang Late. Isa pa yun manang mana sayo Pleige." sabi naman ni Jeanelle.

"Sorry I'm late" biglang sumulpot si Angela.

"Bruhilda anong oras na oh ? 9AM ang call time natin nako nako " sabi ni Aila sa kanya

"Sorry na ha. Bigla kasing dumating sina Mommy kaninang maga kaya medyo nalate ako. Sorry na peace na tayo" sagot ni Angela.

"Wait. Hoy bruhildang babae di bat ikaw ang naging dahilan kung bakit nag hiwalay si Carl at si Pleige. Nag aano ka dito ha ? walanghiya ka" sabi naman ni Xindra. Pumagitna naman ako sa kanila

"Awat na awat na. Cous, bati na kami ano ka ba naman. Nagawa lang yun ni Angela dahil sa kanyang Daddy. At ayos na kaming lahat masaya na kami. Sila ni Carl ayos na Engage na yang dalawa." sabi ko sa kanya

Story of The Nerd  Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon