Chapter 58: He's Mine

6.6K 166 55
                                    

Pleige's POV

"Hindi ka pa rin ba aamin ha?" kasalukuyan kaming nasa bagong hideout namin at pinipilit paaminin ang isa sa mga tauhan ni Black death

"Wala akong pakialam kahit patayin nyo pa ako hindi ako magsasalita ng kahit ano mang tungkol kay Black Death, Dark Princess? Psh, wala kang panama sa Black Death namin" mayabang na sabi nung lalake sa amin. Hindi na ako nakapagtimpi kaya sinuntok ko siya ng isa, natumba naman siya kasama nung upuan kung saan siya nakatali

"Bastos yang bunganga mo ha, wala akong panama sa black death nyo ? ito ang sayo" tsaka ko siya pinagsusuntok.

"Queen, tama na, kailangan natin siya, siya yung sagot kung sino si Black Death" pag awat sa akin ni Jeanelle, lumuhod ako dun sa lalake at tsaka marahas na sinambunutan ang buhok niya paharap sa akin.

"Hindi ka pa rin iimik ha?" tanong ko sa lalake duguan na ngayon ang muka dahil sa suntok ko.

"A-alam ni Black Death a-ang mga pinaggagawa nyo, pinapanuod nya lang k-kayo, at isa isang pinapaikot sa mga kamay niya at pinagplaplanuhan niyang mabuti ang bawat galaw ninyo" naghihinang sagot nung lalake bago siya nahimatay.

"So, ganun ang plano niya? hanggat maari wag na tayong magtiwala sa mga taong nakapaligid sa atin, kailangan nating maging mas maingat, kailangan nating malaman kung sino si Black death bago niya tayo maunahan. Mag ensayo tayo ng mabuti, hindi na basta bastang kalaban si Black Death tulad ng dati. " malamig kong sabi sa kanila, saka lumakad papunta sa lugar kung saan kami nag eensayo.

Kailangan kong magpalakas, hindi ako magpapatalo sa nalalapit na labanan na ito Kailangan kong maging malakas para sa sarili ko at lalo na para sa mga grupong sinasakupan ko.

*End of the Day*

*Next Day*

Kasalukuyan kaming nag uusap usap sa classroom, wala pa kasing teacher ,kaya chismissan to the max nanaman kami.

"Good Morning !" nang biglang dumating ang isang bruhilda, este babae. Psh panira ng araw.

"Walang good sa morning kung ikaw lang din ang sasalubong" mataray na bulong ni Christel with matching pag irap pa

"I know right !" pag agree naman ni Angela sabay apir pa kay Christel.

Si Xindra naman ay biglang humila ng upuan papuntang tabi ni Drei.

"GoodMorning Love ! How's you day" nakangiting sabi ni Xindra kay Drei, natahimik tuloy kami

"The last time I check it, It was fine, I'am laughing with my friends and I'm sitting beside the person that I love the Most. I'm perfectly happy not until you come in" malamig na sabi ni Drei, nawala naman yung ngiti ni Xindra pero maya maya ay ngumiti ulit

"Aww, really haha" awkward na sabi ni Xindra " Kung tatanungin mo kung kumusta ang araw ko? Love, masaya ako ngayon dahil nakita kita" nakangiti nyang sabi, manhid ba to ? Masokista? diba nya nakikitang ayaw ni Drei sa kanya, oh let me rephrased it, Ayaw NAMIN sa kanya.

"I'm not interested" sabi ni Drei sabay harap sa akin "Wife are hungry ? do you want to eat with me?" tanong niya sa akin habang nakangiti at hindi pinansin si Xindra.

"HAHAHAHAHAHAHA Bogssh Burn !!" biglang sigaw nina Darryl sabay tawa. Hahaha nakakatawa muka ni Xindra eh.

"Ako Drei, I'm Hungry, Come on , let's eat " pangangakit ni Xindra

"Oh I lost my appetite already. Nakakawalang gana kasi ang muka mo" sabi ni Drei " I'm just gonna take a nap" sabi niya sabay hila sa akin at sabay yakap at patong nung ulo nya sa balikat ko.

Story of The Nerd  Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon