Third Person's POV
After 8 years
Nagkakagulo ang bahay ng mga Monteverde ngayon dahil late na sila sa kanilang intayan. Birthday kasi ng mga anak ni Jeanelle at magkakaroon ng party sa rest house nina Kim sa Batangas , sabay sabay na silang pupunta doon.
''Pangga, tulungan mong maglagay ng mga gamit natin si Nikko sa sasakyan'' utos ni Pleige sa kanyang asawa, habang naghahanda nung mga pagkaing dadalhin nila
''Yes, Wife, dalian nyo na dyan, tinatadtad na ako ni David ng mga text, tinatanong kung asan na tayo, psh.'' sambit ni Andrei sabay bitbit nung isang bagahe nila.
''Ma, tulungan na po kita'' lumapit sa kanya ang bunsong anak na si Leigh at tinulungan ang kanyang Mommy sa paglalagay ng cover nung mga pagkain
''Thank you, Baby. Dali na mag ayos ka na at tayo'y aalis na, ako na ang magdadala nito sa Daddy mo'' wika ni Pleige ng matapos na sila.
''No, its ok Ma, ako na po ang magdadala nito, just relax. Ayaw kong mapagod ka'' panlalambing nito. Lumaking malambing at mabuting bata si Nicoleigh samantalang si Nikkolo naman ay nagmana yata sa Daddy nito, medyo masungit pero mabait naman ito pagdating sa kapatid niya.
''Thank you, Leigh'' nakangiting sambit ni Pleige, pinanuod niya ang kanyang anak na dalhin ang iba pa nilang gamit palabas, napangiti nalamang si Pleige at naisip na napalaki niya ng mababait at maayos ang mga anak niya. Kung nandito sana si Nikaela, mas sasaya sana sila.
''I think it was all set Dad" sambit ni Nikkolo ng matapos na sila ni Andrei sa ginagawa tinapaki naman ito ni Andrei sa balikat
''DADDDDDY, KUYAAAA! SAMBOT MABIGAT!" biglang lumabas si Leigh na may dala dalang water jug
''Tsk, bat kasi nagdadala ka ng mabibigat'' salubong ni Nikko dito tsaka kinuha ang water jug na bitbit ng kapatid niya at nilagay sa loob ng kotse na.
''Sorry na Kuya, eh kesa naman si Mommy ang magbuhat niyan, edi ako nalang. Mabibigatan pa sya, ayaw ko nun'' pagpapaliwanag ni Leigh
''Oh edi sana tinawag mo ako, kaming mga lalake ang nagbubuhat ng mabibigat, get it? sa susunod wag mo nang gagawin yun ha? '' pagpapaalala ni Nikko dito
''Yes! Sir!" masayang sambit ni Leigh. Nakatingin lang sa kanila si Andrei at napapatawa nalang, ang cute ng mga anak niya.
''Tawagin nyo na ang Mommy nyo ng makaalis na agad tayo'' utos ni Andrei sa dalawa, agad silang pumasok at tinawag na si Pleige.
Matapos ang lahat ay umalis na rin sila, nag aalburoto na ata si Darryl dun, sila kasi ang nauna, inip na inip na sila. Sa bahay nina Jeanelle sila nag ipunan tapos magko convoy sila papunta sa rest house nina Kim
''Wow. buti naisipan nyo pang pumunta ano?" bungad ni Mariejoy sa kanila na nakapamayawang pa sa may pintuan
''Pasensya na ha? nagluto pa kami, kung hindi dahil sa amin hindi kayo makakain" mataray na sabi ni Pleige.
''Sorry po Tita Mommy" biglang sumulpot sa tabi ni Pleige ang anak na si Leigh. Matamis niyang nginitian ang Tita Mommy nya.
''It's okay my baby Leigh" masayang sambit ni Mariejoy sabay halik sa pisngi ng dalaga, sabik sa babaeng anak si Mariejoy dahil parehas na lalake ang naging anak nito, kaya naman kay Leigh ito nanlalambing.
''O all set na ba? alis na agad tayo baka abutan tayo ng hapon'' sambit ni Andrei na nasa loob pa rin ng kotse.
''May paa ba ang hapon?" pambabara ni Darryl na galing sa loob, may dala itong mga gamit.
'' Ayusin mo David, ipapahiya kita sa harap ng asawa't anak mo'' banta ni Andrei dito. Umismid lang si Darryl dito.
''Sya pa ang magagalit sila na nga ang late'' mapaklang sabi ni Darryl
BINABASA MO ANG
Story of The Nerd Gangster Princess
Teen Fiction"Akala ng iba Simpleng NERD lang ako na pwede nilang api-apihin Pero nagkakamali sila. AKO ata ang Tinaguriang nilang pinakamalakas na GANGSTER PRINCESS - Pleige Highest Rank #1 Nerd