Chapter 17.1 > Friends? <

922 39 8
                                    

Lahat po ng nag-comment ay kasali dito kahit na may ibang hindi nakakuha ng tama. Hehehe. Comment niyo na lng po sa chapter na 'to ang character name niyo at pili lang po kayo ng Coven niyo: Denali Coven, Amazon Coven, Egyptian Coven, Mexican Coven, Romanian Coven, at French Coven. Thank youuu

3RD Person's POV

Excited na excited ang lahat ng makalapag ang eroplano. Nasa 4 na van ang lahat. Hindi kaya ng tatlong van sila dahil sa dami at sa mga gamit nila. 

"Excited na 'ko!!" Sabik na sabik na wika ni Sunny 

"Waah! Ako rin!" - Yoona 

"Miss na miss ko na sila!" - Yuri 

"Unnie's paano po kung hindi tayo tanggapin nina Unnie?" Malungkot na katha ni Seohyun.

"Baby, hindi 'yan. Tiwala lang."

Makalipas ang 20 minuto ay tumigil na ang van sa harapan nila; ang van na sinasakyan nina Suho at D.O., dahilan na para tumigil din ang tatlong sasakyan. Bumaba sina Suho, D.O, Chen, at Baekhyun. "Nandito na tayo." Sabi ni Suho kaya nman bumaba na ang lahat sa mga sasakyan na kinalalagyan nila.

Isang private property ng mga Kim. Sa may tabing dagat. Glass House, at isang yacht. May isang talon din malapit sa kinakatayuan ng bahay. 

"Wow. Ang ganda dito." Humahanggang wika ni Sooyoung habang inililibot ang mata niya sa lugar.

"Maganda nga. Hahaha. Pumunta na tayo doon." Sabi ni Suho habang tinuturo ang glass house. "Nandoon sila sa loob." Tumango ang lahat at pumunta sa bahay. 

Malapit na sila sa bahay ay may humarang. "Sino kayo? Alam niyo bang pribadong pamamay-ari 'to ng mga Kim?" Harang sa kanila ng isang lalaki. Matangkad, tan ang kulay kaya sigurado silang hindi ito bampira, yellow eyes din ito at may tatto sa kanang braso. 

"Ako si Suho, yung laging kausap nina Taeyeon." Sagot ni Suho at mabilis na umalis ang lalaki sa harapan nila at pumasok sa bahay. 

"Sino siya? Ang gwapo naman!" - Sooyoung. 

"Tss. Mas gwapo pa ko dyan. Wushu-in ko yan eh." Nagseselos na wika ni Tao. 

"Aww. Nagseselos ang panda ko." Paglalambing ni Sooyoung kay Tao habang nakayakap sa bewang nito.

"Letse! Walang poreber!" Sigaw ng bitter ng na si Chen.

"E-EXO? Girls? Anong ginagawa niyo dito?" Gulat na tanong ni Tiffany sa mga ito. Nagulat ang lahat dahil bigla-bigla na lang susulpot sa harapan nila ang triplets ng hindi nila napapansin, pero hindi na nila pinahalata. 

"U-unnie, sorry sa lahat. Hindi kami dapat nagalit sa inyo." Humihikbi na wika ni Sunny. 

"Na-realize namin na hindi kami dapat magalit sa inyo. Marami kayong nagawa samin. Sorry. " - Hyoyeon. 

"Dito nga kayo. Naiiyak ako sa inyo. Bwisit." Nakangiti pero naluluhang wika ni Taeyeon. At nagyakapan sila. 

"Noona, sali kami?" Tanong ng EXO.

"Malamang! Halika nga kayo dito!" Pagmamataray pero sweet na wika ni Jessica at sumali na rin ang EXO sa yakapan. Maliban kina Luhan at Kris. 

Nung humiwalay na sa yakap ang lahat ay niyakap naman ni BaekHyun si Taeyeon, na ikinagulat ni Taeyeon. "B-Baek..."

"Saranghae, Taeyeon." - Baekhyun.

"N-nado saranghae, Baekhyun." Nahihiya pero kinikilig na respond ni Taeyeon.

"Ayun oh!"

" Ayiee!"

"BaekYeon! BaekYeon! BaekYeon!"

Pangangasar ng iba. 

"Oh, ikaw? Anong tinatayo-tayo mo diyan?" Pagmamataray ni Jessica kay Kris.

"Ikaw din? Anong tinatayo-tayo mo diyan?" Pagmamataray din ni Tiffany kay Luhan. 

Kasi naman. Nag group hug na ang lahat, at nagyakapan at naglandian na ang BaekYeon pero ang LuFany at KrisSica wala parin?

Nahihiyang yumakap naman ang dalawa sa mga partner nila.

"I miss you." - Kris.

"I miss you more" - Jessica

"I love you." - Luhan

"Ich leibe dich." - TIffany

"Huh? Anong ibang sabihin nun?" Tanong ni Luhan.

"I love you yun in German." Sagot ni Tiffany.

"Wo ai ni." Sagot naman ni Luhan. At muling nagkantyawan ang lahat.

The Half Mortal Love. [COMPLETE-REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon