Chapter Two[It's alright]

6 0 0
                                    


(Kumi's POV)

"Good morning, Kumi---eh?" Bati sa 'kin ni Luka.

"Anong nangyari sa 'yo? Bakit parang ang tamlay mo?" Tanong naman ni Mei.

"Napuyat lang ako kagabi."

"At bakit naman?"

"Binasa ko kasi lahat ng messages na natanggap ko kagabi."

"Lahat ng 'yon? Binura mo na lang sana."

"Importante lahat 'yon! At tsaka alam niyo naman kung kanino galing 'yon, 'di ba?"

I bet that's the very reason why they left me last night.

"H-ha? Hindi ,'no." Nagmaang-maangan pa si Mei.

"O-oo nga. Hindi namin alam." Gumatong pa si Luka.

Bumuntong hininga na lang ako. "Anyway, let's go. I don't want to be late again."

Pagdating namin sa school, naghiwa-hiwalay na kami.

"Good morning, Kumi." Bati sa 'kin nila Fraga at Leona.

"Good morning din."

"Nakita ka namin kanina. Kasabay mong pumasok sila Luka at Mei. Magkakakilala pala kayo." Sabi ni Leona.

"Ha? Ah, oo. Actually, magkapit-bahay kaming tatlo."

"Wow talaga?! Pwede bang ipakilala mo kami sa kanila?"

"Ah, oo naman."

Hindi ako magtataka kung bakit ganito ang reaction nila. Parehong recording artist at singer sila Luka at Mei. Sikat silang dalawa...gaya ni Hatsune Miku.

******

Pumunta 'ko sa cafeteria kasama sila Fraga at Leona. Laging dito kumakain sila Luka at Mei. 'Yon ang sabi nila sa 'kin.

Nasa pinakadulong mesa sila nakapwesto.

"Hey, guys."

"Oh, Kumi. Sino sila? Mga kaibigan mo?" Tanong ni Luka.

"Yeah. This is Fraga and Leona."

"Uhm... H-hi. I'm Fraga Riria. Nice to meet you." Parang ninenerbyos si Fraga.

"Ako naman si Leona Marchi. Nice to meet you." Ganon din si Leona but not as much as Fraga does.

"Nice to meet you, too." Luka said.

"Care to join us for lunch?" Yaya ni Mei.

"Y-you don't mind?!" Excited na tanong ni Leona.

"Of course, not. Kumi's friends are also our friends."

"O-order lang ako, guys." Sabi ko sa kanila. Dahil sa nangyari kagabi, nakalimutan kong maghanda ng baon ko.

"Ok." They all said.

******

(Mei's POV)

Umalis sandali si Kumi para um-order ng pagkain niya.

"So, uhm... Matanong ko lang kayo." Panimula ko.

"Y-yes? A-ano 'yon." Sabay nilang saad na parang ninenerbyos.

"Ah, 'wag kayong kabahan, ok? Just act normal. We're friends now, aren't we?" Luka said.

"Whooa! So, kaibigan na ang turing niyo sa 'min?" Tanong ni Leona.

"Yeah. I told you, didn't I?"

"Ehem." Inagaw ko ang atensyon nila.

"Oh, sorry. Ano nga pala 'yon?" Tanong naman ni Fraga.

Voice Out! [A Vocaloid Fan-Fic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon