Chapter Seven[Let's Duet!]

4 0 0
                                    

(Author's Note: Play the video when you see the second Author's Note)

(Kai's POV)

Katatapos ko lang mag-lunch. Pababa na ako galing sa rooftop dahil doon ako kumain.

Habang naglalakad pabalik sa room, nag-ring ang cellphone ko.

"Hello... Bakit po?... Sige po, gagawa na lang po ako ng excuse. I'm sure they'll understand... Ok po."

Nakita ko na papasok pa lang ng room si Kumi. Kasama niya sila Fraga at Leona. Pagkapasok ko, lumapit agad ako sa kanila.

"Hey, guys. Guess what? Tinawagan ako ng manager ko. Ang sabi niya, may recording daw ako bukas kasama si Hatsune Miku."

Napapalakpak si Leona. "Wow! Talaga?! Ang galing naman!"

"Ibig sabihin, absent ka bukas?" Tanong naman ni Fraga.

"I'm afraid so."

Napansin ko naman na tahimik lang si Kumi.

"Kumi. Something wrong?"

"Ha? Ah, wala naman. Nabigla lang ako. I mean, it's a great opportunity, isn't it?"

"Yeah, I felt the same way. And I'm honored na makakatrabaho ko si Hatsune Miku."

******

(Kumi's POV)

Kasalukuyan akong naglalakad pauwi nang mag-ring ang cellphone ko.

"Hello... Ah, opo. Ang totoo po niyan, nabanggit niya nga po sa 'kin 'yun... Ah, hindi po. Sinabi niya lang po sa 'kin 'yon... Opo."

Bumuntong hininga 'ko pagkababa ko ng tawag. Ang akala ni manager, alam na ni Kai na ako si Hatsune Miku.

Pagkauwi ko, nagbihis agad ako. May bigla namang nag-doorbell.

"Hi, Kumi. May pasalubong kami sa 'yo." Sabi ni Mei habang hawak ang isang maliit na kahon ng cake.

"Salamat. Tuloy kayo."

"Hay... Nakakapagod talaga kapag kasali ka sa club." Sabi ni Luka pagkaupo niya sa sofa.

"May balita 'ko sa inyo. May recording kami ni Kai bukas."

"Talaga?!" Sabay pa sila na parang hindi makapaniwala. Ok naman 'yung reaction ni Luka kaya lang si Mei, parang...not in a good way.

Tumango ako. "Sinabi niya 'yon sa 'min kanina tsaka tinawagan din ako ni manager."

"Is that so? Well, he should be honored dahil makakapag-record siya kasama si Hatsune Miku." Saad ni Mei habang binubuksan 'yung kahon ng cake.

"You know, he actually said the same thing---teka! Akala ko, para sa 'kin 'yan?!" Kinakain na niya kasi 'yung cake.

"Oops. My bad."

"Don't worry. Ito pa ang isa, oh." Iniabot sa 'kin ni Luka 'yung isa pang cake. Alam na niya sigurong mangyayari 'to.

"But you know, I wonder kung ano ang magiging reaction niya kapag nalaman niyang ikaw talaga si Hatsune Miku." Dagdag niya.

Napaisip naman ako. Ano nga kaya? Hindi lang si Kai. Pati na rin sila Fraga, Leona at lahat ng taong nakakakilala sa 'kin bilang si Kumi Tsuneha.

"Way to go, Luka." Sabi ni Mei habang nanguya.

"Ah, sorry."

Ngumiti ako. "It's ok. Napag-usapan na naman natin 'to, 'di ba? I know I can count on you, guys."

"Right!" They said in unison.

"Uhm, kakainin mo ba 'yan?" Tanong sa 'kin Mei habang nakaturo sa cake na hawak ko.

Voice Out! [A Vocaloid Fan-Fic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon