(Author's Note: Play the video when you see the second Author's Note)
(Kumi's POV)
Hindi pa rin maalis sa isipan ko 'yung mga sinabi ni Kai. Marami akong nalaman at na-realize. Kailangang may gawin ako.
Bumangon ako sa kama at kinuha ang cellphone ko. Tatawagan ko si manager.
"Kumi, napatawag ka."
"Uhm, pwede po ba tayong magkita ngayon?" Gabi na pero sana, pagbigyan niya 'ko.
"Hmm... Sige. Ipapasundo kita sa driver ko."
"Salamat po."
Pagkatapos kong magbihis, lumabas ako ng building at naghintay. Dumating din naman agad si Mr. Sandler.
"Ang sabi ni Mr. Zed, sa bahay niya na lang daw kayo magkita." Sabi niya pagkasakay ko.
"Sige po."
Nakapagdisisyon na ko. Gusto kong gumawa ng isang bagay gamit ang sarili kong disisyon. Ito ang unang beses na gagawin ko 'to.
Nag-aabang si manager sa tapat ng bahay niya. Pumasok kami at pinaupo niya 'ko sa isang couch. Naupo naman siya sa tapat ko.
"Salamat at pinagbigyan niyo ako."
"Bihira ka lang makiusap sa 'kin. At tsaka mukhang importante ang sasabihin mo. Siya nga pala. Heto." May inilapag siyang maliit na case sa mesa.
"Nabanggit sa 'kin nila Luka na nasira mo ang salamin mo." Dagdag niya.
Kinuha ko 'yung case. "Salamat po."
"So, ano 'yung gusto mong sabihin?"
"Manager, gusto kong... Gusto kong magpakita sa iba bilang si Hatsune Miku!"
Tahimik lang siya. Hindi rin nagbago ang ekspresyon ng mukha niya.
Nagpatuloy ako. "Alam ko pong alam niyo ang ibig kong sabihin... Gusto ko pong makisalamuha sa iba bilang si Hatsune Miku. Alam ko pong kasama 'to sa..."
"Kumi."
"Ah, po?"
"Pwede ko bang malaman ang dahilan?"
Tumungo ako. "Isang kaibigan po ang nagsabi sa 'kin. Gusto daw pong makita ng mga bata sa ampunan si Hatsune Miku sa personal. Si Kai Shino po ang nagsabi sa 'kin nun. At nung araw na nag-record kami, niyayaya niya po ako doon pero hindi ko siya napagbigyan. I really feel bad for him. Kaya po sana, payagan niyo po ako. Gusto kong gawin 'to para sa kanila."
"Is that so?... Gaya ng sinabi ko kanina, bihira ka lang makiusap sa 'kin. Sige, papayagan kita." Saad niya habang nakangiti.
"Talaga po?! Maraming salamat po!" Tumayo ako at yumuko sa kanya.
Ito ang unang beses na makikihalubilo si Hatsune Miku sa publiko. Isang bagay na matagal ko nang gustong gawin.
******
"Saan ka nagpunta kagabi?" Tanong sa 'kin ni Mei. Kasama niya si Luka.
"Sa bahay ni manager. May sinabi lang ako sa kanya."
"Talaga? At ano naman 'yon?"
Kinuwento ko sa kanila ang pinag-usapan namin ni manager.
"Wow! Mabuti naman at pumayag siya." Saad ni Luka.
Tumango ako. "Hindi nga ako makapaniwala, eh."
"Nabanggit mo na si Kai ang nagsabi sa 'yo ng tungkol doon. Gagawin mo 'to para sa kanya?" Tanong ni Mei.
BINABASA MO ANG
Voice Out! [A Vocaloid Fan-Fic]
FanfictionIs it to mch to ask for real friends? Kumi Tsuneha hides her identity to meet genuinely nice people that will treat her truthfully.