Chapter Twenty Nine[That was close...]

3 0 0
                                    

(Kumi's POV)

Maaga akong nagising pero hindi dahil sa alarm clock. Hindi ko naman kailangang mag-set ngayon, eh.

Naghilamos muna 'ko bago pumunta sa kusina. Nadaanan ko muna si manager na nagbabasa ng dyaryo.

"Good morning." Bati niya sa 'kin.

"Good morning din po. Tulog pa rin po ba 'yung iba?"

"Oo maliban lang kay Luka at Sandler. Nasa kusina sila."

Dumiretso na 'ko sa kusina. Naabutan ko si Mr. Sandler na nagluluto. Katulong niya si Luka.

"Good morning, Miss Hatsune." Bati sa 'kin ni Mr. Sandler.

"Good morning din po."

Kumuha 'ko ng tubig sa ref dahil nauuhaw ako. Bigla naman akong nakaramdam ng gutom dahil sa niluluto nila.

"Pasensya na, Miku pero pwede mo bang gisingin 'yung iba para makapag-almusal na tayo?"

"Walang problema."

Mukhang hindi ko na sila kailangang gisingin. Palabas pa lang ako ng kusina nang makita ko silang bumaba isa-isa.

"Good morning sa inyo."

Naghikab si Kai. "Good morning din."

"Ano 'yung naaamoy ko? Ang bango naman." Saad ni Leona.

"Niluluto 'yon nila Luka at Mr. Sandler. Nasa kusina sila."

"Mabuti naman at gising na kayo. Kumain na tayo." Sabi naman ni Luka pagkalabas nila ng kusina ni Mr. Sandler.

******

Mas gusto ko nang lumangoy ngayon 'di gaya kahapon. Hindi naman ako bihasa sa paglangoy kaya sa medyo mababaw lang ako.

"Saan po kayo pupunta?" Tanong ni Luka kay manager. Kasama niya si Mr. Sandler.

"Mangingisda lang kami. Babalik kami bago magtanghalian."

Gustong gusto ni manager ang pangingisda pero hindi niya 'yon masyadong nagagawa dahil busy siya.

Makalipas ang halos isang oras, bumalik na sila. Halos isang oras din akong nasa tubig kaya nagdisisyon na 'kong umahon. Pero nagkaroon ng problema. Biglang lumakas ang alon. Hindi ko alam kung paano nangyari pero napapunta 'ko sa malalim na parte ng dagat.

"Tingnan niyo! Si Miku!" Sigaw ni Mei.

Hindi ko na masyadong marinig ang mga sinasabi nila dahil lumulubog na 'ko. Bigla na lang akong pinulikat kaya nahihirapan akong pumaibabaw sa tubig. Idadag pa 'yung mga alon na lalong nagpapahirap sa 'kin.

Tulong! Tulungan niyo 'ko! Hindi na 'ko makahinga!

******

(Kai's POV)

"Kumi!"

"Kumi?" Nagtatakang tanong ni Leona.

Lagot. Nagkamali ako. Pero hindi ko na muna dapat isipin 'yon. Ang mahalaga ay mailigtas si Kumi.

"Nandyan na 'ko!" Sigaw ko habang tumatakbo.

Agad akong lumusong sa tubig at binilisan ang paglangoy. Pinipilit niya pa ring pumaibabaw sa tubig pero bigla na lang siyang tumigil at lumubog. Mas binilisan ko pa ang paglangoy.

Sumisid ako at agad ko naman siyang nakuha. Wala na siyang malay. Inakay ko siya papunta sa pampang. Inihiga ko siya sa blanket na nakalatag sa buhanginan.

"Ku... Miku! Gumising ka! Miku!" Sigaw ko habang tinatapik ang pisngi niya.

"Sa tingin ko ay nakainom siya ng maraming tubig. Mukhang kailangan niya ng CPR." Saad ni Mr. Sandler.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 20, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Voice Out! [A Vocaloid Fan-Fic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon