(Kumi's POV)
"Amusement park, huh?" Sabi ni Kai. "That sounds like fun. Tara na."
Habang naglalakad kami, napapatingin ako sa kamay niya. Gusto kong makipag-holding hands sa kanya pero nahihiya akong sabihin. Sayang 'yung chance kanina.
Sumakay kami ng bus dahil medyo malayo 'yung amusement park na 'yon. Habang bumibyahe, nakatingin siya sa labas at ako naman, nakatingin pa rin sa kamay niya. Hahawakan ko na sana 'yung kamay niya nang biglang huminto 'yung bus.
"Nandito na tayo." Sabi niya.
"Oh, ahh... Ok."
Sayang. Malapit na, eh. Pero 'di bale na.
"Wow. This place is amazing." Sabi niya pagkababa namin. "Teka, bibili lang ako ng tickets."
"Hindi na kailangan. Meron na 'ko dito."
"Meron ka na?"
Naku, baka isipin niyang pinagplanuhan ko 'to kahit totoo naman. Wala namang problema doon pero nakakahiya kasi.
"Uhm, ano... Binigay 'to sa 'kin ni manager. Ang sabi niya, baka magamit ko 'to at tama naman siya."
Tumango-tango siya. "Kaya pala nagyaya kang pumunta dito."
"O-oo. Sayang naman kung hindi magagamit."
Pumasok na kami pagkabigay ko ng mga tickets.
"Anong gusto mong unahin?" Tanong ni Kai habang naglilibot kami.
"'Yung rollercoaster. Ok lang ba?"
Hindi ako sigurado pero parang biglang kinabahan si Kai. Parang hindi maipinta ang mukha niya.
"S-sigurado ka? 'Yun ang gusto mong unahin?"
"Ahh, oo. Pero ayos lang kung..."
"H-hindi, ok lang. Tara na."
Hindi naman masyadong mahaba 'yung pila kaya nakasay kami agad. Sa may bandang dulo kami nakaupo.
Habang dahan-dahang umaandar 'yung coaster paakyat, napansin ko na nakapikit si Kai at bumubulong.
"May problema ba, Kai?"
"Ha? W-wala. Walang p-problema. Hahaha."
Nakarating na kami sa highest point at pagkatapos...
"Whaaa!"
Lahat kaming nakasakay ay sumisigaw. Si Kai, hindi ko alam kung sumisigaw dahil sa saya o dahil sa nerbyos.
Tumagal ng ilang minuto 'yung ride. Nang makababa kami, tumakbo si Kai papuntang cr. I think he needs to throw up.
"Are you ok?" Tanong ko sa kanya pagkalabas niya.
"O-oo. Ok lang...ako." Sagot niya tsaka siya umupo sa isang bench.
Tumabi ako sa kanya. "Gusto mo bang ibili kita ng gamot?"
"Hindi, 'wag na. Salamat."
"Sana, sinabi mo na lang na hindi mo kaya para..."
"Ayos lang. Hindi na nga kita napagbigyan sa arcade, eh. I feel bad."
Ang tinutukoy niya ba ay 'yung onion leek na hindi niya nakuha?
"'Wag mo nang isipin 'yon. Alam kong mahirap talagang kunin 'yon."
Tumayo na siya. "Tara na. Marami pa tayong hindi nasusubukan."
"Ok."
Palakad palang kami nang may biglang maglapitan sa 'ming grupo ng mga babae. Mga teenagers.
BINABASA MO ANG
Voice Out! [A Vocaloid Fan-Fic]
FanfictionIs it to mch to ask for real friends? Kumi Tsuneha hides her identity to meet genuinely nice people that will treat her truthfully.