Chapter Nine[Do you remember?]

4 0 0
                                    


(Kumi's POV)

Lumabas ako sa banyo pagkatapos kong magbihis. Katatapos ko lang mag-shower. Ang presko sa pakiramdam.

Naupo ako sa may study table ko para gumawa ng assignment nang may mapansin ako.

'Yung salamin ko...nawawala!

Paanong... Dito ko lang nilagay 'yun, eh. Nasaan na 'yun? Hindi pwedeng mawala 'yun.

*Crack!*

May natapakan ako na kung ano. Pagtingin ko...

"Whaaa! Hindi!" Durog na 'yung salamin ko.

******

"Bwahahaha...!" Tawa ng tawa si Mei nang makita ako pagkalabas ko ng building. Nagpipigil naman ng tawa si Luka.

"Ano bang nangyari at naisipan mong magsuot niyan?" Tanong niya habang natatawa pa rin.

"Nasira kasi 'yung salamin ko kaya wala akong choice."

"Pero papapasukin ka kaya nila kung nakasuot ka niyan?"

Naisip ko na rin 'yon. Ano nga ba'ng pwede kong idahilan?

Naka-shades ako ngayon. Wala akong choice kundi isuot 'to. Posible kasing makilala nila ako bilang si Hatsune Miku.

"Alam ko na. Sabihin mo na lang na may sore eyes ka." Saad ni Luka.

Pagdating ko sa school, pinagtitinginan ako ng ibang estudyante. Mabuti na lang at pinapasok ako ng guard.

"Bakit naka-shades ka?" Tanong sa 'kin ni Leona.

"May sore eyes kasi ako, eh." Sagot ko. 'Yun din ang sinabi ko sa guard.

"Hindi ka na lang sana pumasok. Hindi sa takot kaming mahawa. Nag-aalala lang ako." Saad naman ni Fraga.

"Naisip ko na rin 'yan pero baka pagalitan na 'ko ni Sir Zeke. Nakakailang strike na kasi ako, eh."

Hindi lumilipas ang isang linggo na wala akong demerit pero hindi pa 'ko pinapagalitan ni Sir Zeke kaya masasabi kong mabait talaga siya.

And speaking of, pumasok na siya sa room kaya nagsiupo na kami nang maayos. At dahil sa naka-shades ako, ako agad ang napansin niya.

"Why are you wearing that, Miss Tsuneha?"

"Pasensya na po, sir. May sore eyes po kasi ako, eh."

"Is that so? Well, I guess it can't be helped. Anyway, I'll check the attendance." At isa-isa na niya kaming tinawag.

"Shino." Si Kai na ang tinatawag niya. Walang sumagot kaya inulit niya.

Ngayon ko lang napansin na wala pa nga si Kai. Late lang kaya siya o talagang absent?

Biglang bumukas ang pintuan sa may likuran.

"Sorry, sir. I'm late." Saad ni Kai na parang hinihingal.

"It's alright. You made it after all."

******

Free time namin ngayon at nagkumpulan kami nila Fraga, Leona at Kai sa pwesto ko.

"Bakit ka nga pala naka-shades, Kumi?" Tanong sa 'kin ni Kai. Hindi ko na nga mabilang kung ilang beses tinanong sa 'kin 'yan, eh.

"May sore eyes ako." Ang palagi 'kong sagot.

"Pero hindi ka ba nahihirapan niyan?"

"Hindi naman masyadong malabo ang paningin ko pero kailangan ko pa rin ng salamin. Actually, medyo nahihirapan nga 'ko, eh." Palusot ko.

Voice Out! [A Vocaloid Fan-Fic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon