(Kumi's POV)
Kauupo ko palang sa upuan ko nang pumasok sa room si Sir Zeke. May dala siyang mga papel.
"Ok, class. We will be having a test." Sabi niya pagkalapag ng mga papel sa mesa niya. Nag-angalan naman ang mga kaklase ko.
"Relax. It's not an official test. Gusto ko lang malaman kung sino sa inyo ang talagang nag-aaral nang mabuti." Dagdag niya.
Nagbigay siya ng mga papel sa unahan ng bawat column. "Get one and pass backwards."
Sinimulan ko na ang pagsagot pagkakuha ko ng papel. Ayokong magyabang pero mukhang hindi naman ako babagsak... Sana.
Natapos ako pagkalipas ng kalahating oras. Hindi daw 'to official test pero ang hihirap ng mga tanong. Nang matapos kaming lahat, kinuha ni Sir Zeke ang mga test papers.
"By the way, we will be conducting a class trip tomorrow. I know this is sudden but I like all of you to participate."
Nagtaas ng kamay si Leona. "Sir, saan tayo pupunta at tsaka gaano po katagal?"
"Sa isang lodge sa may bundok. Tatlong araw at dalawang gabi ang itatagal natin doon."
"Bukas niyo malalaman ang scores niyo. As well as those who need to study more." Saad niya bago lumabas ng room.
Lumapit sa 'kin si Kai. "Ang hirap ng test, 'no?"
"Oo nga, eh. Lalo na kung exam na 'yon."
"Hay... Hindi pa naman ako nakapag-review. Hindi na 'ko magtataka kung bagsak ako." Malungkot na saad ni Leona.
Natawa naman si Fraga. "Lahat naman tayo, hindi nakapag-review. Biglaan naman 'yung test na ibinigay sa 'tin, 'eh."
******
Lunch na at kasabay kong kumain sila Rina at Lenny sa cafeteria. We're talking about some random stuff nang dumating si Leona.
"Hey, guys. May plano ba kayo mamaya after school?" Tanong niya.
"Hmm... Wala naman. Ikaw, Rina?" Saad ni Lenny.
"Wala rin."
"Bakit?" Tanong ko.
"Balak ko sana kayong yayain. Birthday ni Fraga ngayon."
"Talaga?! Birthday niya ngayon?!" Sabay-sabay pa kaming tatlo.
"At sinong may birthday?" Tanong ni Mei habang papalapit siya sa 'min. Kasama niya sila Luka.
"Si Fraga. Birthday niya ngayon." Pag-uulit ni Leona.
"Oh, really? In that case, we should throw a party for her."
"'Yun nga ang plano ko at kailangan ko ng tulong niyo. Pero hindi dapat malaman ni Fraga ang tungkol dito. We should keep it as a secret."
Nagtaas ng kamay si Rina. "That sounds great! Count me in!"
"Me, too!" Saad naman ni Lenny.
"What should we do, then?" Tanong ni Luka.
"Hey, guys!" Biglang dumating si Fraga na ikinataranta namin.
"Fraga. I-ikaw pala. Hahaha." Ninenerbyos na saad ni Leona.
"Anong pinag-uusapan niyo?"
"H-ha? Ahh... W-wala naman." Sabi sa kanya ni Leona sabay hila sa kanya. "Tara. Baka mahuli pa tayo sa klase."
"Teka. Hindi pa naman tumutunog ang bell, ah?"
Wala nang nagawa si Fraga kundi ang sumunod sa kanya. Bahagyang lumingon sa 'min si Leona at kumindat.
BINABASA MO ANG
Voice Out! [A Vocaloid Fan-Fic]
FanfictionIs it to mch to ask for real friends? Kumi Tsuneha hides her identity to meet genuinely nice people that will treat her truthfully.