Chapter Sixteen[What is this?]

3 0 0
                                    


(Kumi's POV)

Dalawang araw na 'kong absent. Magaling na ang paa ko pero hindi pa rin ako pinayagan ni manager na pumasok. Nangako ako sa kanya kaya kailangan ko 'yong tuparin.

Ang boring naman. Mula kaninang umaga, wala akong ibang ginawa kundi manood ng tv at magbasa ng libro. Lagpas tanghali na at wala na 'kong maisip na gawin.

Biglang tumunog ang cellphone ko eksaktong paglabas ko ng kwarto.

"Hello po."

"Kamusta na ang injury mo?" Tanong ni manager sa kabilang linya.

"Ok na po. Nailalakad ko na po nang maayos."

"Mabuti naman kung ganon."

"Uhm, manager. Pwede na po ba 'kong pumasok bukas? Baka po kasi pagalitan ako ni Sir Zeke."

"Sige. At tsaka 'wag kang mag-alala. Tinawagan ko siya nung isang araw na hindi ka makakapasok. Isa pa, alam niya naman ang nangyari sa 'yo, 'di ba?"

"Ganon po ba? Salamat po."

"By the way, tinawagan kita para sabihin sa 'yo na gusto ng manager ni Kai Shino na gumawa kayo ng music video. I haven't given him an answer. Gusto ko munang tanungin ka kung ok lang sa 'yo."

"Ayos lang po sa 'kin. Pero ok lang po ba kung sa weekend?"

"Sige, ayos lang."

I ended the call after that. Makakatrabaho ko ulit si Kai.

And speaking of, hindi ko alam kung bakit pero parang uminit ang mukha ko nang maisip ko siya. Lalo na nung naligaw kami. Bigla kong naalala 'yung mga oras na magkasama kami.

Actually, nung mga oras na 'yon, pakiramdam ko ay ligtas ako sa kanya kahit naliligaw kami. At nung napayakap ako sa kanya, namula 'ko hindi dahil sa nahihiya ako sa kanya. Alam kong may iba pang rason pero hindi ko alam kung ano.

Hindi kaya...

******

(Kai's POV)

Hindi ko pa nakikita si Kumi sa nakalipas na dalawang araw hanggang ngayon. Pangalawang araw na niyang absent. Dahil pa rin siguro sa injury niya.

Naging busy kasi ako nung mga nakaraan araw kaya wala akong oras para bisitahin siya. Parang ang lungkot kapag wala siya. Although kasama ko naman 'yung iba. Pero iba pa rin sa pakiramdam kapag kasama ko siya.

Nagmadali akong umuwi pagkatapos ng klase. Bibisitahin ko si Kumi. May ibabalita 'ko sa kanya.

Nag-doorbell ako sa unit niya. Hindi na 'ko dumiretso ng unit ko para magpalit man lang. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko, excited akong makita siya.

Bumukas ang pinto. Pero pagkakita sa 'kin ni Kumi, bigla niyang isinara. Bakit kaya? Galit kaya siya sa 'kin?

Magdo-doorbell ulit sana 'ko nang buksan niya ulit ang pinto. Nakasilip lang siya.

"Uhm, Kai... P-pasensya ka na... May kailangan ka ba?"

"Ah, wala naman. Naisip ko lang na bisitahin ka. Ang tagal kasi kitang hindi nakita, eh."

"Huh?"

"A-ahh, ang i-ibig kong sabihin, naging busy kasi ako kaya hindi ako nakakabisita. A-at tsaka dalawang araw ka nang absent."

"G-ganon ba? Pinapagaling ko pa kasi nang husto ang paa ko, eh. Pero makakapasok na 'ko bukas. Halika, tuloy ka."

Dumiretso kami sa sala pagkapasok ko.

Voice Out! [A Vocaloid Fan-Fic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon