(Kumi's POV)
"Ok, class. Next week na ang summer break niyo. I'm sure na marami sa inyo ang mag-a-out of town. Pero inaasahan ko na mag-aaral pa rin kayo, ok?" Sabi ni Sir Zeke.
"Yes, sir!"
"Ok. That would be all for today." Paalam niya bago siya lumabas ng room.
Nakalimutan ko na malapit na nga pala ang summer break. Mabilis lumipas ang mga araw at marami na ring nangyari.
Alam kong masyado pang maaga pero iniisip ko na kung anu-ano ang mga pwede kong gawin sa summer break.
Hmmm... Ano kaya kung...
******
(Kai's POV)
Summer break na pala namin. Hindi ko namalayan ang bilis ng paglipas ng mga araw dahil sa mga nangyari sa 'min ni Kumi.
Tamang tama ang timing. Yayayain ko siyang makipag-date. Pero kailangan ko munang pagplanuhan. Kumbaga sa digmaan, kailangan ko ng bala. 'Wag lang sana kami magkaroon ng biglaang projects.
Nang matapos ang klase namin, hindi sumabay sa 'kin si Kumi pauwi. Kasama niya sila Fraga at Leona pero ayos lang. May kailangan din kasi akong gawin.
Pagkauwi ko, nag-research ako ng magagandang dating spots. Kailangan kong ma-impress si Kumi sa first date namin kaya nag-research din ako kung paano.
Ang sabi nila, 'wag munang magbilang ng sisiw hangga't hindi pa napipisa ang itlog. Masyado lang akong excited at naghahanda lang ako.
******
(Kumi's POV)
Pagkatapos ng klase, niyaya ako nila Fraga at Leona na magmiryenda. Gusto ko sanang sumabay kay Kai umuwi pero nauna na siya. Sa Cafe Odds and Ends kami pumunta.
"Ikwento mo naman kung anong nangyari sa inyo ni Kai." Sabi sa 'kin ni Leona.
"Ahh... Well, ganito kasi 'yon..." At ikinuwento ko na nga sa kanila.
"Wow! Talaga?! Ang sweet naman." Saad ni Fraga.
"Akalain mong the feeling is mutual pala. Masaya kami para sa inyo." Sabi naman ni Leona.
"Salamat. Pero alam niyo, hindi mangyayari 'yon kung hindi dahil kila Mei at sa iba. Sila ang dahilan kaya nagkaayos kami ni Kai."
"Maswerte ka dahil may mga kaibigan kang gaya nila." Saad ni Fraga.
Tama siya. Maswerte ako dahil kaibigan ko ang mga gaya nila.
******
(Kai's POV)
Lumipas ang mga araw na wala namang espesyal na nangyayari. Wait, mali pala. Espesyal ang bawat araw ko kapag kasama ko si Kumi. At mas magiging espesyal kapag pumayag siyang makipag-date sa 'kin.
Weekend na ngayon at yayayain ko na siya. Nag-doorbell ako sa unit niya at binuksan niya naman agad ang pinto.
"Hi. Uhm, busy ka ba?"
"Hindi naman. Bakit?"
"Uh, ano kasi... Ya..."
"Hey, good morning!" Bati ni Mei. As usual, kasama niya si Luka.
"Anong good sa morning?" Iretableng tanong ko.
"Mukha yatang masama ang gising mo, ah?" Tanong ni Luka.
Ngumiti si Mei. "Bakit? Nasira na naman ba namin ang moment niyo?"
"Bakit ba kasi kayo nandito?"
BINABASA MO ANG
Voice Out! [A Vocaloid Fan-Fic]
FanfictionIs it to mch to ask for real friends? Kumi Tsuneha hides her identity to meet genuinely nice people that will treat her truthfully.