(Kumi's POV)
"Today, class, we will go treasure hunting." Saad ni Sir Zeke.
Nasa labas kami ng lodge. Ngayon na magsisimula ang activity namin.
"Talaga, sir?! Treasure hunting?!" Excited na saad ni Mei.
"I know what you're thinking, Ms. Iko. What you're going to look for is not what you think it is. You'll just going to look for ribbons."
"Aww, sayang."
"Katulong ko sila Mr. and Mrs. Oliver sa activity na 'to. Nagtali kami ng mga ribbons na may iba't-ibang kulay sa loob ng gubat. Kung sino man sa inyo ang makakuha ng pinakamaraming ribbons ay siyang panalo. You will do it in pairs." Paliwanag ni Sir Zeke.
Umabante si Mrs. Oliver na may dalang kahon. "Bubunot kayo ng mga numero sa kahong ito. Kung sino ang may magkaparehong numero, sila ang magiging magpartner."
Isa-isa na kaming bumunot. Alphabetical ang order namin.
Nang makabunot na kaming lahat, sinabi ni Sir Zeke na hanapin na namin ang partner namin.
16 ang number ko. Sino kaya ang nakakuha rin ng 16? Magkapartner sila Luka at Rina, sila Mei at Lenny at sila Fraga at Leona.
"Mukhang tayo ang magpartner." Saad ni Kai. Kung ganon, 16 din ang nakuha niya.
"Ok, guys, kapag sa tingin niyo ay nawawala kayo, just blow the whistle." Sabi ni Mr. Oliver.
Bawat isa sa 'min ay may pito na ibinigay niya kanina. Hindi namin pwedeng gamitin ang cellphones namin sabi ni Sir Zeke kaya pinaiwan niya ang mga 'yon.
"You may begin now." Sabi ni Sir Zeke.
Nagtakbuhan agad ang mga kaklase namin. Lahat kami ay may bag na may lamang pagkain at tubig. Ang time limit ay hanggang 3:00pm.
Hindi pa kami masyadong nakakalayo ni Kai nang may makita 'kong ribbon na nakatali sa sanga. Itinuro ko 'yon sa kanya. Agad namang niya 'yong kinuha.
"Ok, may isa na tayo." Sabi niya.
Nagpatuloy kami sa paghahanap ng mga ribbons hanggang sa makakuha kami ng sampung ribbons. Nagdisisyon muna kaming magpahinga at kumain.
"Kamusta na kaya 'yung iba?"
"Sa tingin ko, nakakarami na sila. Kaya dapat, makalamang tayo." Sabi ni Kai.
"Mukhang disidido ka talagang manalo, 'no?"
"Syempre naman."
Excuse sa test ang premyo sa larong 'to kaya ganito na lang kadeterminado si Kai. Ganun din siguro ang iba.
Pagkatapos naming kumain, nagpatuloy na kami. Nakakuha pa kami ng sampung ribbons. Making it a total of 20.
Nagdisisyon na kami ni Kai na bumalik tutal, malapit na rin namang mag-3:00pm.
"Teka. Parang nanggaling na tayo dito."
Napansin ko kasi 'yung isang puno na may pugad ng ibon. Sigurado akong dalawang beses na namin 'yong nadaanan.
"Sigurado ka?" Tanong ni Kai.
"Oo, sigurado ako."
Naglakad siya ng ilang hakbang at pinagmasdan ang paligid.
"Sa tingin ko, nawawala nga tayo." Sabi niya sabay kuha sa pito niya. "Let's blow our whistles."
Sabay naming hinipan ang mga pito namin. Inulit namin 'yon ng ilang beses.
BINABASA MO ANG
Voice Out! [A Vocaloid Fan-Fic]
FanfictionIs it to mch to ask for real friends? Kumi Tsuneha hides her identity to meet genuinely nice people that will treat her truthfully.