Chapter Thirteen[It's a ghost!]

5 0 0
                                    


(Kumi's POV)

Nasa dining hall kaming lahat at kasalukuyang kumakain ng hapunan. Magkakasama kami nila Fraga, Leona at Kai sa mesa. Nasa karatig mesa naman sila Luka, Mei, Rina at Lenny.

Bumaling si Leona kay Kai. "Hey, Kai. Nahuli ka na naman ni Mei na..."

"Mali na naman siya. Wala akong masamang balak kay Kumi."

"Bakit ka nga pala nagmamadali kanina? Para kang nakakita ng multo?" Tanong ko.

Nag-lean forward siya. "Oo, multo nga 'yung nakita ko."

Natigilan si Leona, nasamid naman ako at nabulunan si Fraga.

"Seryoso ka ba?"

"Oo. Kaya nga 'ko nagtatakbo kanina, eh. Sabi na nga ba't haunted ang lugar na 'to, eh."

"Baka naman namalik-mata ka lang." Sabi sa kanya ni Fraga.

"Hindi! Sigurado ako. Sisilip pa nga sana 'yun sa 'kin, eh pero tumakbo agad ako."

"So, takot ka?" Tanong sa kanya ni Leona.

"Sino ba namang hindi takot sa multo?... Pero maiba 'ko. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit kailangan nilang sumama." Saad ni Kai. Ang tinutukoy niya ay sila Luka.

"Hayaan mo na. Ayaw mo nun? Mas masaya dahil kumpleto ang barkada."

"Ayoko. Well, ok naman sila Luka at 'yung magkapatid pero si Mei..."

"Ano naman ang problema mo kay Mei?" Tanong naman ni Fraga.

"Hindi naman sa may problema 'ko sa kanya. Siya 'yung may problema sa 'kin. Lagi niya 'kong inaaway kaya hindi kami magkasundo."

Kinalabit ko si Kai. "Uhm... Kai..."

Pagtingin niya sa 'kin, sinenyasan ko siyang tumingin sa likuran ko. Nakalimutan niya yatang karatig mesa lang namin sila Mei at naririnig siya. Natigilan naman siya. Masama siguro ang tingin ni Mei sa kanya.

Pagkatapos naming kumain, pumunta ang iba sa 'min sa game room. 'Yung iba, sa ibang lugar nagpunta. Pinayagan kami ni Sir Zeke na mag-enjoy dahil bukas, magsisimula na ang activities namin, gaya ng sinabi niya.

"Kai Shino, hinahamon kita." Saad ni Mei.

"Ha? At bakit naman?"

"Maglaro tayo ng billards. Kapag nanalo ako, gagawin mo ang lahat ng sasabihin ko."

"At kapag ako ang nanalo?"

"Gagawin ko ang lahat ng sasabihin mo. Deal?"

"Deal!"

At nagsimula na nga silang maglaro. Nanonood sa kanila sila Rina at Lenny. Sa tingin ko, gusto lang gumanti ni Mei kay Kai. Gusto niya rin sigurong patunayan na mas magaling siya.

Habang naglalaro silang dalawa, niyaya naman ako ni Leona na maglaro ng ping pong. Si Luka ang tagabilang ng points ko at si Fraga naman kay Leona.

"Gusto mo bang gayahin 'yung pustahan nila?" Tanong niya sa 'kin.

"Hindi ba pwedeng maglaro na lang tayo just for fun?"

Tumawa siya. "Binibiro lang kita... Ok, ready ka na ba?"

Una siyang tumira. Hinabol ko 'yung bola at pinalo pero mabilis niya 'yong naibalik.

"One point para kay Leona." Saad ni Fraga.

Pagkatapos non, ako naman ang nakapuntos. Mahirap habulin ang mga tira niya. Magaling siya.

Pagkalipas ng ilang minuto, pareho kaming hingal na hingal.

Voice Out! [A Vocaloid Fan-Fic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon