Chapter Fifteen[I'll still do it!]

5 0 0
                                    

(Author's Note: Play the video when you see the second Author's Note)

(Kumi's POV)

Ngayon ang huling araw ng class trip namin. Nandito kami sa may batis na nakita ni Kai nung naligaw kami. Medyo malapit lang pala 'to sa lodge pero hindi namin 'yon napansin dahil madilim na noon.

Nandito kami para mag-picnic at para i-enjoy ang view. Magkakasama kaming magkakaibigan sa isang blanket. Nag-set up din sila Sir Zeke ng ihawan habang nangingisda naman ang iba sa may batis.

Nakaupo akong mag-isa nang tumabi sa 'kin si Kai.

"Kamusta na ang paa mo?"

"Nakirot pa rin pero mas ok na kumpara kahapon."

"Mabuti na lang at weekend bukas. Makakapagpahinga ka."

"Ah, o-oo."

Kahit weekend bukas, hindi pa rin ako makakapagpahinga. May guesting ako. Ayoko namang ipa-cancel 'yon dahil lang sa hindi ako makalakad nang maayos. Nakakatayo naman ako, eh.

Namagitan sa 'min ang katahimikan. Pinagmamasdan namin sila Mei, Leona at Lenny na manghuli ng isda habang tumutulong naman sila Luka, Fraga at Rina kay Sir Zeke sa pag-iihaw. Nakakatuwa silang tingnan. Ang sasaya nila.

Biglang dumating si Cami at tumabi sa 'min. "Ate, kuya, laro tayo."

Hinawakan siya ni Kai. "Hindi makakapaglaro si ate Kumi dahil sa paa niya. Tayong dalawa na lang ang maglaro."

Tumango si Cami at pagkatapos, naglaro na sila. Ipinasan siya ni Kai sa may batok niya. Tuwang tuwa si Cami.

"It's time for lunch!" Saad ni Sir Zeke.

Kinain namin 'yung mga nahuling isda nila Mei. Kasalo din namin si Cami sa pwesto namin.

"Teka. Anong klaseng isda 'to? Ang liit." Sabi ni Kai. "Sino'ng nakahuli nito?"

"Ako! Bakit?! May angal?!" Saad ni Mei.

Natawa naman si Kai. "Mukhang wala kang talent sa paghuli ng isda."

"Ano'ng sinabi mo?!"

"Wala!" Sabi ni Kai sabay takbo.

Hinabol siya ni Mei. "Bumalik ka rito!"

Nagtawanan kami habang pinagmamasdan sila. Nakitakbo rin sa kanila si Cami.

Pagkatapos naming mananghalian, bumalik na kami sa lodge. Oras na para mag-impake dahil kailangan na naming umuwi.

"Maraming salamat sa inyo, Mr. and Mrs. Oliver." Saad ni Sir Zeke.

"Walang anuman." Simpleng sagot ni Mr. Oliver.

Dumating na ang bus namin kaya nagsisakayan na kami. Gaya ng nakaraan, maingay ulit sila Mei at Kai dahil sila ulit ang magkatabi.

Makalipas ang ilang oras, nakauwi na kami. Nagulat ako nang makita si Mr. Sandler na naghihintay sa tapat ng condominium building. Lumapit ako sa kanya.

"Ipinapasundo po kayo ni...sir, Miss Tsuneha." Saad niya. Hindi niya pwedeng banggitin ang pangalan ni manager dahil kasama ko si Kai.

"Ahh... Sige po."

"Aalis ka?" Tanong ni Kai.

"Ah, o-oo. May kailangan akong puntahan."

"Uhm... Ok. Sige, see you later."

Habang naglalakad papasok ng building si Kai, sumakay na 'ko sa kotse. Mabuti na lang at hindi siya masyadong nagtanong.

Nakarating kami sa bahay ni manager pagkalipas ng ilang minuto. Dumiretso agad ako sa opisina niya pagkapasok ng bahay niya.

Voice Out! [A Vocaloid Fan-Fic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon