Chapter Nineteen[Lover boy?!]

3 0 0
                                    


(Kai's POV)

Hindi na 'ko nag-abalang daanan si Kumi pagkalabas ko ng unit ko. Kahit na gusto ko siyang kausapin, sa tingin ko ay kailangan ko muna siyang pabayaan.

Kalalabas ko pa lang ng building nang may tumawag sa 'kin. Si Kumi 'yon paglingon ko. Patakbo siyang lumapit sa 'kin.

"Akala ko, maaga ka ulit pumasok ngayon kaya hindi na kita dinaanan."

"Uhm, gusto ko sanang...sabay tayong pumasok. Ok lang ba?"

Nagulat naman ako. "Ah, syempre naman."

At nagsimula na kaming maglakad. Ang saya ko ngayon. Si Kumi mismo ang magyaya na sabay na kaming pumasok.

"Mukhang masaya ka, ah?" Puna niya. "Kanina ka pa kasi nakangiti."

"Uh, talaga. Naku, sorry. Mukha siguro akong ewan."

Hindi ko alam na nakangiti pala 'ko. Hindi niyo naman ako masisisi. Kasama ko ngayon ang babaeng mahal ko. I feel like I'm in heaven.

Impit siyang tumawa. "Ayos lang."

Kakapasok palang namin ng campus nang makasalubong namin sila Luka at Mei.

"What's up, Lover boy?" Bati sa 'kin ni Mei. Parang nang-aasar lang siya.

"Tumigil ka nga dyan."

"Lover boy?" Tanong ni Kumi.

"Ah, 'wag mo na lang siyang pansinin. Tara na, baka ma-late pa tayo."

"See you later, Lover boy!" Sigaw ni Mei habang kumakaway pa.

Pambihira. Sisirain niya ang diskarte ko, eh.

******

(Kumi's POV)

"Mukhang nagkaayos na kayong dalawa, ah?" Saad ni Leona.

"Anong ibig mong sabihin? Wala naman kaming naging problema ni Kumi, eh." Sabi naman ni Kai sa kanya.

Magkakasabay kaming nanananghalian sa cafeteria ngayon. Kasama rin namin sila Fraga, Rina at Lenny.

"Siya nga pala, narinig ko kaninang umaga na tinawag kang 'Lover boy' ni Mei." Sabi naman ni Fraga.

Biglang tumawa sila Leona at Rina habang nagpipigil naman si Lenny.

"Lover boy? What's up with that?" Tanong ni Rina habang natatawa pa rin.

"Pwede bang kalimutan niyo na lang 'yon?! Inaasar lang ako ni Mei. Alam niyo namang trip ako nun." Iretableng saad ni Kai.

"Ibig bang sabihin nun, may nagugustuhan ka na?" Tanong ni Fraga sa kanya.

"Wala!... Well, meron."

Nagulat kaming lahat sa sinabi niyang 'yon. Napatingin naman silang lahat sa 'kin maliban lang kay Kai.

"Bakit ganyan ang mga mukha niyo?" Tanong ni Kai.

"A-ah, wala naman. Nasorpresa lang kami sa sinabi mo." Saad ni Rina.

Bigla akong nalungkot. 'Yun din ang nararamdaman ng iba para sa 'kin. Kung ganon, may nagugustuhan na si Kai. 'Yun ba ang ibig sabihin ni Mei?

Bigla kong naalala 'yung mga sinabi ni Alice. Ang sabi niya, 'wag daw akong mag-isip ng tungkol sa rejection pero 'wag din daw akong masyadong umasa. Pero kung may nagugustuhan na nga si Kai, wala 'kong magagawa kundi ang maging masaya para sa kanya. Sinabi din ni Alice na dapat ko pa ring sabihin kay Kai ang nararamdaman ko kahit na may babae na siyang nagugustuhan. Ang mahalaga ay maiparating ko sa kanya ang nararamdaman ko.

Voice Out! [A Vocaloid Fan-Fic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon