(Kumi's POV)
Lumabas ako ng room pagkatapos ng third period. Palakad-lakad lang ako pero hindi ko alam kung saan ako pupunta. Gusto ko munang makalayo kay Kai.
Hindi naman sa iniiwasan ko siya pero parang ganun na nga kung titingnan. Pero hindi ako galit sa kanya or anything. Mas lumalala kasi ang nararamdaman ko kapag kasama ko siya. Medyo nahihirapan ako.
Alam ko na kung ano 'tong nararamdaman ko pero hindi ko alam kung ano'ng gagawin. Kailangan ko ng makakausap.
******
(Kai's POV)
I have this feeling na iniiwasan ako ni Kumi. At mukhang kasabwat niya sila Fraga at Leona.
Kaninang third period, nagmadali siyang lumabas ng room. Hahabulin ko sana pero nagpasama naman si Fraga sa faculty room. At nung lunch time, nagpatulong naman si Leona na magdikit ng mga forms para sa mga club kaya hindi ko ulit nakausap si Kumi.
At ngayong uwian, mag-isa 'kong naglalakad pauwi. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na baka may nagawa ako na kung ano kaya niya 'ko iniiwasan.
"Hey, Kai. Mag-isa ka ulit?" Tanong ni Luka habang papalapit. Kasama niya si Mei.
******
(Kumi's POV)
Katatapos lang ng klase at nandito ako ngayon sa rooftop kasama sila Fraga at Leona.
"Hindi ko maintindihan. Bakit mo iniiwasan si Kai?" Saad ni Leona.
"Hindi naman siguro kayo nag-away, tama?" Tanong ni Fraga.
"Hindi. Hindi kami nag-away."
"Eh, bakit mo siya iniiwasan?"
Paano ko ba sasabihin?
"May...kakaiba kasi akong nararamdaman kapag magkasama kami."
"Kakaiba?" Tanong ni Leona.
Humawak ako sa dibdib ko. "Kapag magkasama kami, bumibilis ang tibok ng puso ko."
"Teka! 'Wag mong sabihing..."
Tumango ako. "Hindi lang 'yon. Siya lang lagi ang nasa isip ko. Sa totoo lang, nagsimula 'to nung naligaw kami nung class trip natin."
"You have...feelings for him." Saad ni Fraga. Tumango ulit ako.
"Kung ganon, anong problema? Bakit mo nga siya iniiwasan?" Tanong ni Leona.
"Hindi ko kasi alam ang gagawin ko. Kapag kaharap ko siya, parang kinakabahan ako. All of a sudden, I feel so awkward towards him."
******
(Kai's POV)
"So, ano 'yung gusto mong sabihin?" Tanong ni Luka.
Nasa may park kami ngayon. Silang dalawa lang ni Mei ang pwede kong kausapin tungkol kay Kumi dahil matagal na silang magkakakilala. Gusto ko rin sanang kausapin sila Rina at Lenny pero hindi ko sila makita. Hindi naman pwede sila Fraga at Leona dahil alam kong wala silang sasabihin sa 'kin.
"May napapansin ba kayong kakaiba kay Kumi?"
"Kakaiba? Ano'ng ibig mong sabihin?"
Bumuntong hininga 'ko. "Kapag kausap ko siya, parang hindi siya mapakali. At kanina, parang...iniiwasan niya 'ko."
"Mukhang nagsawa na nga si Kumi sa pagmumukha mo." Komento ni Mei na hindi ko na lang pinansin.
"Mei." Saway ni Luka. "Anyway, sigurado namang may dahilan kung bakit ganon si Kumi, Kai."
BINABASA MO ANG
Voice Out! [A Vocaloid Fan-Fic]
FanfictionIs it to mch to ask for real friends? Kumi Tsuneha hides her identity to meet genuinely nice people that will treat her truthfully.