(Play the video when you see the second Author's Note)
(Kumi's POV)
Oh, no! Late na 'ko! Bakit ba nakalimutan kong i-set ang alarm clock ko?!
'Di bale na. Kailangan kong magmadali. Baka pagalitan ako ni Sir Zeke.
"Whaaa!"
"Aaahhh!"
*Boogsh*
"Aray." Himas-himas ko ang puwetan ko dahil napaupo ako nang biglaan. May nakabunggo kasi ako.
"Pesensya na, miss." Boses 'yun ng lalaki.
Pagtingin ko, nakalahad ang kamay niya sa 'kin. Natulala ako dahil ang pogi niya.
Whaaa! Hindi! Erase! Erase!
"Pasensya na. Nasaktan ka ba?" Tanong niya.
"Ah, h-hindi naman." Sagot ko sabay abot sa kamay niya.
"Sorry talaga, ha? Hindi kasi kita napansin."
"O-ok lang. Ako ang dapat na mag-sorry."
"By the way, I'm Kai Shino. Nice to meet you."
Kai Shino... Ah, kaya pala parang pamilyar siya. Kung hindi ako nagkakamali, siya 'yung bagong male singing sensation.
"Same here. I'm...Kumi Tsuneha. Uhm... Sa Sekiranun High ka rin ba nag-aaral?" Napansin ko kasi na Sekiranun Highschool uniform ang suot niya.
"Yes. Actually, it's my first day. Pero hindi ko alam kung saan 'yun, eh. Pwede mo bang ituro sa 'kin?"
"I'm going there, actually. You can come along if you want to."
"That would be great. Shall we?"
Pagkatapos nun, naglakad na kami papuntang school.
"So, doon ka rin nag-aaral?" Tanong niya.
"Ah, y-yes."
Late na 'ko pero hindi ko masabi sa kanya. Ang awkward naman kung sasabihin ko sa kanya na kailangan naming bilisan. Ayoko namang isipin niya na kasalanan niya kung bakit ako na-late.
Pagkaliko namin sa isang kanto, tanaw na namin 'yung school.
"'Yun na ba 'yon?"
"Ah, oo."
Ilang sandali pa nasa loob na kami ng campus. Dumiretso agad ako sa room.
"So, uhm... Dito ang klase ko."
"Talaga? What a coincidence! Kung ganon, magkaklase pala tayo." Sabi niya.
Teka... Ibig sabihin...
"Oh, ah... Hehehe."
Pagkabukas ko ng pinto, nakita ko si Sir Zeke na may sinusulat sa board.
"Your late, Miss Tsuneha." Hindi naman siya mukhang galit.
"Y-yeah. I'm sorry, sir."
"Excuse me, sir. It was my fault that she was late. I'm sorry."
"Oh, my God! Is that Kai Shino?"
"Wow! So, dito siya mag-aaral?"
"Ang galing naman! And take note, kaklase pa natin siya!"
Nagsimulang magbulungan ang mga kaklase kong babae nang makita nila si Kai Shino.
"It's ok. I'm not mad at all. Now, Miss Tsuneha, please take your seat."
"Yes, sir." Dumiretso na 'ko sa upuan ko.
BINABASA MO ANG
Voice Out! [A Vocaloid Fan-Fic]
FanfictionIs it to mch to ask for real friends? Kumi Tsuneha hides her identity to meet genuinely nice people that will treat her truthfully.