Chapter Twelve[It's creepy...]

3 0 0
                                    


(Kumi's POV)

Hawak ngayon ni Sir Zeke ang mga test papers na sinagutan namin kahapon. Hindi naman 'yon official test pero kinakabahan ang lahat na baka bagsak sila. Maging ako.

"The average score is 87. Wala namang bagsak sa inyo pero tatapatin ko kayo. Mababa ang scores niyo kumpara sa inaasahan ko. I'm expecting higher than this. Well, except for Miss Tsuneha and Mr. Shino. Miss Tsuneha's score is 98 while Mr. Shino got 97." Saad ni Sir Zeke.

Nagpalakpakan ang mga kaklase ko pagkarinig nun. Masaya ako para sa 'min ni Kai.

"Congratulations to you both. Keep up the good work. Not just the two of them but all of you as well." Dagdag pa niya.

"Yes, sir!"

******

Kumpleto kaming lahat ngayon at magkakasabay kaming naglalakad pauwi. Half day lang kami ngayon dahil ngayon ang class trip namin. Pinauwi muna kami ni Sir Zeke para kumumuha ng mga kailangan namin.

"Congrats, Kumi! Ikaw 'yung pinakamataas sa test niyo!" Saad ni Mei.

"Haha. Salamat. One point lang naman ang lamang ko kay Kai."

"Sus! Nanghula lang naman 'yun, eh. O kaya, nangopya sa 'yo kaya mataas din ang score."

"Hoy! Hindi, 'no!" Depensa ni Kai.

"Ay, nandyan ka pala. Sorry." Mei said sarcasticaly. Nagtawanan lang kami.

Naghiwa-hiwalay na rin kami pagkalipas ng ilang minuto. Tiningnan ko ang cellphone ko pagkapasok ng unit ko.

Ang sabi ni manager kahapon, tatawagan niya daw ako. Pero kahit text, wala.

Naalala ko, bago ako umalis kahapon sa bahay niya, parang may gusto siyang sabihin sa 'kin. Seryoso siya. I mean, lagi namang seryoso si manager at bihira lang siyang ngumiti pero iba 'yung kahapon. At sa tingin ko importante 'yon.

******

"Sabihin niyo nga... Bakit kasama kayo?! Ha?!" Tanong ni Kai kila Mei.

Kasama kasi siya, si Luka, Rina at Lenny. Nandito kami ngayon sa school kasama ang mga kaklase ko. Hinihintay namin 'yung bus na maghahatid sa 'min sa lodge.

"Sabi nga nila, the more, the merrier." Nakangiting saad ni Luka.

"Hindi sa lahat ng oras! Klase lang namin ang may class trip at hindi namin kayo kaklase!"

Nilingon siya ni Mei. "Tumigil ka na nga! Ang ingay mo! Wala kang magagawa kung sumama man kami. Pumayag naman si Sir Zeke."

"Hindi ako naniniwala."

"Totoo 'yon. Pumayag ako." Sabi ni Sir Zeke habang papalapit sa 'min.

"Pero sir! Bakit?!"

"Wala namang rule na nagsasabing hindi pwedeng sumama ang taga-ibang klase. At tsaka wala naman akong nakikitang problema doon, Mr. Shino."

"Oh, kitams. Kay Sir Zeke na mismo nanggaling." Proud na sabi ni Mei.

"Sus. Kung hindi ko lang alam, baka tinakot mo si sir." Bulong ni Kai.

"Ano 'yon?!"

"Wala!"

Maya-maya pa, dumating na 'yung bus. Isa lang dahil kasya naman kaming lahat. Isa-isa na kaming sumakay. Umupo si Sir Zeke sa may likuran ng driver. Katabi ko sa upuan si Luka habang magkatabi naman sila Fraga at Leona, Rina at Lenny.

"Ayokong umupo sa tabi mo!" Bulyaw ni Mei kay Kai.

"'Di 'wag! Para namang gusto kitang makatabi!"

Voice Out! [A Vocaloid Fan-Fic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon