Chapter Twenty Two[I've finally said it...]

8 0 0
                                    


(Kai's POV)

Kanina pa 'ko nakahiga sa kama pero hindi pa rin ako makatulog. Hindi maalis sa isipan ko 'yung mga ikinuwento sa 'kin ni Kumi at 'yung sinabi niya.

"Ngayon, alam mo na. 'Yun ang dahilan kung bakit ko 'to ginagawa. I know it sounds shallow and childish but you see, it's very important to me."

Pero kung ako ang tatanungin, wala naman akong nakikitang problema sa ginagawa niya. Kung ang iba, 'yun ang tingin sa kanya, ako, hindi. Lahat naman tayo, gustong magpakatotoo ang mga taong kilala natin. Naiintindihan ko na ngayon sila Luka at Mei.

******

Pumasok pa rin ako kahit na wala akong gana. Hindi ko na kasi nakakasabay si Kumi. Absent nga siya ngayon, eh.

Kapag free time namin, pumupunta ako sa rooftop at ngayong lunch time, nandito ulit ako. Dito ako tumatambay kapag may iniisip ako.

Mukhang nagbago na si Kumi. Hindi na siya kagaya ng dati. Lalo na ngayong nalaman ko na na siya pala si Hatsune Miku.

Bumuntong hininga ako. Sa mga nangyayari ngayon, paano ko masasabi sa kanya na mahal ko siya?

******

(Rina's POV)

Pumunta kami ni Lenny sa room nila Kumi pagkatapos ng klase. Hindi lingid sa kaalaman namin ang nangyayari sa kanilang dalawa ni Kai kaya gusto namin siyang kausapin.

"Rina, Lenny. May kailangan ba kayo?" Tanong ni Leona nang makita niya kami.

"Nasaan si Kumi?"

Lumapit sa 'min si Fraga. "Ah, hindi siya pumasok, eh."

"Ganon ba?"

"Alam niyo, kanina pa namin siya tine-text at tinatawagan pero hindi naman niya sinasagot. May alam ba kayo kung anong nangyayari sa kanya?"

"Pasensya na, wala rin kaming ideya." Sagot ni Lenny.

"Hey, guys." Bati ni ate Mei pagdating niya.

"Teka, bakit parang problemado kayo?" Tanong naman ni ate Luka.

******

(Luka's POV)

"I see."

Sinabi sa 'min nila Rina na hindi daw pumasok ngayon si Kumi at hindi raw ma-contact nila Fraga ang cellphone niya.

Nauna nang umuwi sila Fraga at Leona habang naiwan naman kaming apat sa may gate ng campus. Nakita namin si Kai na kalalabas lang.

Tinawag siya ni Mei. "Hoy! Kai!"

Hindi niya pinansin si Mei. Tuloy-tuloy lang siya na parang walang narinig kaya nainis si Mei.

"Hoy! Bingi ka ba?! Tinatawag kita!" Sigaw niya habang papalapit kay Kai tsaka niya hinawakan sa balikat.

"Ikaw pala, Mei." Matamlay na saad ni Kai.

Natigilan kami maging si Mei dahil sa hitsura niya. Napakalungkot niya.

"Anong nangyari sa 'yo? Bakit ganyan ka?" Tanong ni Mei habang papalapit naman kami sa kanila.

"Wala."

"Si Kumi ba?" Tanong ko.

Hindi siya sumagot at umiwas lang ng tingin.

"Ano bang problema? Sabihin mo sa 'min."

"Sinabi na niya sa 'kin ang lahat."

"I-ibig sabihin..."

"Kung ganon, alam mo na?" Tanong ni Lenny.

Voice Out! [A Vocaloid Fan-Fic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon