Chapter 1 - Flashbacks

4.1K 59 5
                                    

"The memories that keep flashing back is the most painful one"

Iya's POV

Andito lang ako sa kwarto ko nakahiga nakatingin sa kisami magdamag. bakit? Ano bang gagawin ko? Ano ba dapat ang gawin ng isang broken Hearted na tao? Pumunta ng bar at uminom? Pumunta doon at magpaka wasted? O di kaya iiyak buong araw? O di kaya pabayaan ang sarili? O di kaya naman maghanap ng lalaki at gawing rebound? Tss. Dapat ba talagang ganon? Kasi ako? Heto nakatihaya sa kama ko nag muni muni. nag iisip kung bakit, kung bakit ganito. kung bakit nangyari to. kung bakit kailangan pang ako?

Sa kalagitnaan ng pag iisip ko nag ring yung cellphone ko wala akong balak sagutin. kaya hinayaan ko lang din na mag ring ito. ayaw ko munang makausap kahit sino. gusto kung mapag isa di naman nakakamatay mag isa eh

Ngayon nakatagilid na ako at nakaharap ako sa frame ko. nakangiti ako doon at puno ng saya ang makikita sa mga mata ko pero ngayon? Di ko alam-di ko talaga alam. ilang buntong hininga muna ang pinakawalan ko bago ko mapag desisyunan na matutulog na muna ako.

Ilang minuto lang di talaga ako makatulog. kaya kinuha ko ang cellphone at earphone ko at nagpatatugtug ng raindrops doon ko lang din nalaman na ang mga kaibigan ko ang tumatawag. napabuntong hininga nalamang ako bago ako pumikit ulit

"Iyaaaaaa gisingggg"

"Uyyyyy"

"Kikilitiin ka namin pag ayaw mong gumising sige ka"

"Iyaaaaa"

Naramdaman ko nalang na may dumagan sakin kaya dali dali akong bumangon

"aaaaaaraaaay huhuhuhu"

"Cha?" Gulat na sabi ko

"Ang bad mo" sabi nya at hinihimas ang kanyang butt nahulog kasi sya sa pagkakadagan sakin nong bumangon ako ang payat panaman nito

"I'm sorry"

"Cheee" sabi niya at patuloy na hinihimas ang butt

"We've been calling you" sabi ni kyla lagot anang erarason ko?

Na ayaw kung may kasama at gusto kung mapag isa? Baka maooffend sila they are my friends tas ako tong nag dradrama tss tss ahhhhh tama tama

"Nakatulog ako ky, look" pinakita ko sa kanya na nagplay yung mga song na pinatugtog ko sa cellphone ko

Mukha namang nakumbinsi sya kaya napatango lang sya at ngumiti naman ako woaaah lusot ako doon ahh

"Whatever dear, tumayo kana jan at maligo at magbihis dahil aalis tayo" bulalas pa ni kim

"Ayaw kung umalis" sabi ko sabay hega

"What? You should go out sometime. always kanalang andito sa room mo why don't you go and hang out with us again? You don't miss us ba?"  Tanong ni faith

Napatingin naman ako sa kanya at naka pout haysss okay fine. maybe kailangan ko ng lumabas it has been weeks since nag stay ako sa kwarto. binibigyan lang ako ng pagkain ni mama and ngayon ko lang narealize na ang bad ko palaging naghahatid dito si mama ng pagkain tapos minsan di ko ito pinapansin na guilty naman ako kaya babawi nalang ako sa kanya

My Accidentally Boyfriend ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon