Chapter 1: Surprise Birthday!
I want you to stay, never go away from me
Stay forever
But now, now that you're gone
All I can do is pray for you
To be here beside me again...I was lost in the beauty of the song nang may biglang bumato sakin. Napatingin naman ako sa baba at nang makita ko kung sino 'yun ay bigla na lang akong napairap. Tch, that noisy guy again. Ugh
"Cony! Bumaba ka na nga dyan. Mahulog ka pa e, problema ko pa." Sabi nya habang nakapamewang. Inirapan ko lang siya at bumalik na sa pagkakasandal ko dito sa ibabaw ng puno.
Makalipas ang ilang minuto ay tahimik na dito at tanging mga huni na lang ng ibon ang maririnig mo. Umalis na nga siguro yung maingay na 'yun.
Matutulog na sana ako ng biglang yumanig yung puno. Napakapit ako bigla sa isang matibay na sanga dito at halos masabi ko na lahat ng mura dito. Shit!
"HAHAHAHAHAHAHA! yung mukha mo--HAHAHAHAHA ay--HAHAHAH Teka langya--HHAHAHAHA" napatingin naman ako sa baba kung kaninong tawa 'yun nanggaling. THIS FVCKING GUY! UGH!
Mabilis akong bumaba at binigyan ko siya ng masamang tingin. Napansin niya ata yung tingin ko kaya na pa tahimik siya, pero kitang-kita mo parin na nagpipigil siya ng tawa. Tch, umalis na lang ako 'dun at dumeretso na sa bahay. Narinig ko naman yung mga yapak sa likod ko kaya alam ko'ng nakasunod yung maingay na 'yun.
"Cony, wala ka talagang balak na magsalita? akala tuloy nila na pipi ka." Sabi niya sa'kin. Hindi ko na lang siya pinansin at mas binilisan ko pa ang paglalakad ko.
Di naman ako pipi. Di lang talaga ako mahilig magsalita. Kapag may nagtatanong naman ay tanging tango at iling lang isinasagot ko. All I want is to be alone and I don't want anyone to interfere in my life. Sanay akong mag-isa at walang kinakausap. Kung may pamilya ako? Oo, meron naman. Si lola nalang ang natitirang pamilya ko. My parents died when I was 8 years old. They died because of me.
Napalingon naman ako sa likod ko kung nakasunod pa rin ba yung maingay. Pero paglingon ko ay wala na siya. I don't care, mabuti na rin 'yun para walang kumukulit sa'kin.
Naabutan ko sa bahay ay sobrang dilim. Kaya I switch the lights on. Pero pagbukas ko ng ilaw ay di ko inaasahan ang masisilayan ko.
"Happy Birthday Courtney!" Sabay-sabay nilang sabi.
Nilibot ko ang paningin ko sa buong silid, nakita kong may tatlong balloons at may konting handaan. Nilapitan ko si lola at hinalikan ito sa pisngi.
"Happy Birthday apo" bati nya sa'kin. Hinug ko siya bilang pagsasalamat. Tiningnan ko naman yung mga bisita at nakita ko'ng nandito pala yung maingay at may dala pa siyang cake.
"Happy Birthday Cony! Blow your candles and make a wish." Sabi nya sa'kin. Ginawa ko naman yung sinabi nya at nagwish ako. Sana maging ligtas at masaya kami ngayong taon.
"Yeeey! Kainan na" sigaw nung nakababatang kapatid ni Fritz. Napangiti naman ako ng konti sa nasisilayan ko at kapagisip-isip ko na...
I don't need a fancy banquet. A complete family and a little feast is enough for me. :)
---
A/N: I hope you like it :).

YOU ARE READING
Butterfly's Tale
AventuraHighest Rank Achieved: #76 in Adventure (2016/12/27) Life can be tough and unfair. Well, totoo naman talaga 'yon. Kahit hindi natin gusto 'yong kasalukuyang buhay natin, wala tayong magagawa kasi 'yon na ang nakatakda sa'tin. All we can do is to a...