Chapter 5

56 3 4
                                    

Chapter 5: The Past

Courtney's Point of view

"M-My father?" Naguguluhan kong tanong.

"Yes, your father. Why? Curious?" He chuckled. Sobrang sama ng tingin niya sa'kin, na para ba'ng may masama akong ginawa sa kaniya.

"Who the fvck are you? May kinalaman ka ba sa nangyari ng parents ko?" Sigaw ko. His lips curved into smile na para ba'ng nag-eenjoy siya sa mga reactions ko.

Then he disappeared. As-in, na parang bula!

Napaupo nalang ako sa sahig dahil sa nangyari. Di ko inaasahan na may mangyayaring ganito. Akala ko, pagkatapos nito ay magiging normal ang buhay ko at magiging tahimik. Pero parang gumulo pa yung buhay ko.

Napalingon naman ako sa likod ko nang may biglang humawak sa balikat ko. Paglingon ko ay nakita ko siya. Yung taong laging nanjan para sa'kin. Yung taong kahit kailan ay di ako iniwan. Yung taong kahit ilang beses ko ng pinagtabuyan ay nandito pa rin para sa'kin.

Huli na ng marealize ko na nakayakap na ako sa kaniya at umiiyak. I'm crying and I don't know why. Maybe, umiiyak ako kasi naaalala ko na naman sina papa. Maybe, umiiyak ako kasi naaalala ko na naman kung bakit sila namatay, na namatay sila dahil sa'kin. Dahil di ko manlang sila natulungan.

*Flashback*

I'm in the middle of playing dolls nang biglang sumakit yung ulo ko. May mga naririnig akong mabibigat na yapak, mga yapak na papunta dito. Alam kong mga malalaki sila base na rin sa mga yapak nila. Bigla nalang akong napatakbo sa kwarto nila papa. Pagkapasok ko ay nakita kong nag-uusap sila ni mama. Lumipat agad ako kay papa at niyakap siya.

"What's wrong, princess? Are you alright?" Umupo siya sa harap ko para magpantay kami. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang pag-aaalala.

"Someone's coming! They're coming! I can hear them, papa." Nagpapanic na ako dito. Feeling ko may mangyayaring masama. I can feel my tears falling down on my cheeks.

"Hey, princess. Don't cry, please. I will check it, okay?" Sabi niya sa'kin. Tumayo siya at pumunta sa pinto. Akmang bubuksan na niya yung pinto ng may biglang sumabog.

*BOOM!*

Bigla kong niyakap si mama dahil sa narinig kong pagsabog. I'm so scared right now. I don't know what to do. I can feel na lumapit si papa sa'min at yinakap kami. I feel secured and safe in their arms. I'm sobbing right now. Both of my parents were carassing my back. Ayaw kong bumitaw sa mga yakap nila. Na para bang kapag bumitaw ako ay mangyayaring masama.

"Louise, my princess, always remember that we love you. We love you so much." Then he kissed my forehead. And the moment he did/said that, I know that something bad will happen.

Tiningnan ko sila pareho. They're both crying. They kissed my cheeks and bumitaw na si papa sa'kin. Lumapit si papa sa pinto at tumingin sa'kin. No. Don't!

Pero huli na, lumabas na siya ng tuluyan bago pa ako makasigaw. I hugged my mom. Pinapatahan niya ako pero pasaway 'tong mga luha ko. Iyak lng ako ng iyak ng biglang...

*BLAG!*

Napalingon agad kami ni mama sa pinto. I saw two men who were looking at us. They're both big and strong. Lumapit sila sa'min at hinawakan kaming dalawa ni mama. Pinaupo nila si mama at tinalian yung mga kamay niya sa likod. Tinitingnan ko lng si mama. Ayaw kong gumalaw. Ayaw kong magsalita. I'm scared.

May biglang pumasok sa silid at nakita kong hawak nila si papa. Pagkakita ko kay papa ay di ko na naman napigilan ang paghikbi.

He's not okay. He have bruises and blood was all over his body.

I looked at mom and I saw her crying, a lot. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang pag-aalala at galit. Galit dahil sa ginawa nila kay papa. Nagpupumiglas na si mama sa tali ng kamay niya. Gusto niyang lumapit kay papa. Gusto niyang tulungan si papa.

Napatigil naman sa pagpupumiglas si mama ng may biglang pumasok ulit sa silid. He's tall at malaki ang katawan niya. Di ko makita yung mukha niya kasi nakamaskara siya.

"Awww, ang ganda ganda niyong tingnan. A father who was trying to save his wife and daughter. So you want to be a Superman for them? Aww, how sweet of you." Sabi niya at tiningnan si papa. "Pero di ka na mananalo, Dale. Pinagbigyan lng kita noon. And, I promise. You'll pay for what you've done to me. I will make your life miserable!" Sigaw niya.

*BANG!*

*End of flashback*

Putok ng baril. Dahil don ay naging miserable ang buhay ko. Dahil don ay nawalan ako ng pag-asang mabuhay. Dahil don .... dahil don namatay ang dalawang mahalaga sa buhay ko.

Butterfly's TaleWhere stories live. Discover now