Chapter 10

34 3 0
                                    

Chapter 10: Weird

Courtney's Point of view

"Lola!" Sigaw ko.

Kakarating ko lang galing sa pinagtatrabahuhan ko. Umupo agad ako sa sofa namin at sumandal dun. Grabe yung pagod ko. Hays

"Oh apo, anjan ka na pala. Kumain ka na ba?" Tanong sa'kin ni lola. Umiling naman ako sa kaniya.

"Hindi pa? Ay sige, umupo ka na rito at paghahandaan kita." Ani lola.

Sumunod naman ako sa sinabi niya at umupo na nga dun. Nilapag naman ni lola yung kanin at ulam.

Umupo siya sa kabilang upuan na nasa tapat ko, "Kumain ka na." Then she smiled.

Kumain naman ako gaya nang sabi niya. Habang kumakain ako ay di ko maiwasang maisip sina mama. Lagi kaming sabay kumain, noon.

"Do you missed them?"

Napaangat naman ako ng ulo dahil sa sinabi niya. Namiss? Sino?

"Your parents." Sagot niya na para bang nabasa niya yung isip ko.

"O-opo. I miss them, so much." Sagot ko.

Tumango naman siya then she smiled, "Alam mo, hawig na hawig mo talaga yung papa mo. Lalo na yung mata mo at yung kung paano ka magsalita." Aniya.

Wait. Parang familiar.

"Cold gestures eh? Hahaha. You really look like your father, even your attitude and eyes."

That guy! I remember him. Ugh! I hate that guy, kahit isang beses ko pa lang siya nakita. Tss

"O apo, bakit? Biglang nag-iba mukha mo. May nasabi ba akong masama?" Tanong niya bigla. Umiling naman ako at ngumiti sa kaniya. Nagpatuloy na lang ako sa pagkain ko.

Matapos ang ilang oras kong pagkain, na hindi naman masyadong matagal, ay binigyan ako ni lola ng tubig.

"Salamat." at uminom na ako.

Napansin ko naman na nakatitig si lola sa'kin. Inilapag ko yung baso sa mesa at kinapa yung mukha ko.

"May dumi po ba sa mukha ko?" Tanong ko naman sa kaniya. Umiling siya at napangiti.

"Wala, wala. May itatanong lang sana ako sa iyo." Aniya.

Napakunot naman yung noo ko, "Ano po yun?" Tanong ko.

"May nararamdaman ka bang kakaiba?" Tanong niya, "Na pandinig, sa katawan o kahit ano?" Dagdag niya.

Napakunot na naman ulit yung noo ko at umiling. Naguguluhan ako sa tanong niya e.

"Bakit? May dapat ba akong maramdaman, la?" Tanong ko.

Umiling naman siya at ngumiti, "W-wala naman. Nagbabasakali lang naman ako na baka may ganun ka rin." Saad niya.

Teka, yung isang araw!

"Nararamdaman na kaya niya?"

Tandang-tanda ko pa yung linya na yan! Sino ba naman kasi ang makakalimot nun, e kung bigla-bigla kang nakarinig ng nagsalita? Psh.

"Teka!" Bigla kong sigaw. "Yung isang araw, naalala mo yung nagtanong ako sayo kung may narinig ka po ba?" dagdag ko. Tumango naman siya sa sinabi ko.

"May bigla kasi akong narinig na nagsalita e! Di ko alam kung sino yun o ano yun. Basta ang sigurado ako, may narinig ako." pagpapatuloy ko.

"A-ano ba yung narinig mo?" Tanong niya.

"Nararamdaman na kaya niya, yan mismo yung narinig ko. Ewan kung saan galing yun." then I yawn.

"A-ahh, baka guni-guni mo lang yun. Huwag mo na lang isipin yun. Teka, pagod na pagod ka na ba? Matulog ka na lang muna. Gigisingin na lang kita sa oras ng hapunan?" Saad niya.

Tama nga ata si lola. Guni-guni ko lang ata yun. Tumango na lang ako sa sinabi niya at pumunta na sa kwarto ko. Matutulog na nga lang muna ako.

Butterfly's TaleWhere stories live. Discover now