Chapter 11

33 2 1
                                    

Chapter 11: GAY!

*KNOCK* *KNOCK*

What the---?! Kanina pa yan! Alam ba niya na ang aga pa? For pete's sake! 5:12 pa lang ng umaga! Ugh.

Bumangon na lang ako sa kama ko at pumunta sa banyo upang maghilamos. Pagkatapos kong gawin yun ay pumunta ako sa pintuan.

Binuksan ko ito, "MAY ORASAN KA BA SA BAHAY NIYO? ALAM MO BA KU---- IKAW NA NAMAN?!" Sigaw ko.

Hindi ako pwedeng magkamali. Siya yung lalake noon. Yung pumunta rito noong pinaalam niya yung ukol sa ceremony. Sa pagkakaalam ko ay amity yung pinili ko, so bakit andito to?

Umubo siya bigla kaya napatigil ako sa pagtitig sa kaniya. Fudge! Di ko man lang namalayan na nakatitig na pala ako sa kaniya.

"Ikaw ba si Adeline Garcia?" Tanong niya.

Umiling ako, "H-hindi, b-bakit? Anong kailangan m-mo?" Fudge! Ba't ako nauutal? Tss

"I have something to tell her. I'm sorry for disturbing, baka namali lang ako ng bahay na nakatok." Akmang tatalikod na siya pero nahawakan ko na ang kaniyang braso.

"H-hindi ako yung hinahanap mo. Pero dito siya nakatira." Ani ko.

Napatingin naman siya sa'kin dahil sa sinabi ko.

"Ganun ba? Pwede ko ba siyang makausap? By the way, you're Courtney right?" Aniya.

"Yes, I'm Courtney. Yung hinahanap mo ay lola ko at natu---" Di ko natapos yung sasabihin ko nang may umubo sa likod ko.

*Cough* *Cough*

"Sinong kausap mo diyan, apo? Ang aga-aga e ang ingay ingay mo!" Sabi niya sa'kin.

Napakamot naman ako sa ulo, "Ah-eh sorry po. Nagulat lang po kasi ako kanina, hehe." Sabay tawa ko nang mahina.

Tumango lamang si lola at tumingin siya sa may pinto. Halata namang nagulat si lola sa nakita niya. Eh?

"O-oh! May bisita pala tayo apo. B-bakit di mo pinapasok? Walang modo." Sabay lingon niya sa'kin.

Wow ha! Sinabihan pa talaga akong walang modo. Tsk!

"May tinatanong lang po kas---" Hindi ko na naman natapos yung sasabihin ko nang sumabat tong lalakeng to. Tss

"Good Morning ma'am, ikaw po ba si Adeline Garcia?" Tanong niya kay lola.

Tumango naman si lola, "Oo, ako nga iyon. Bakit? Anong kailangan mo?" Tanong niya.

"Nais ko lang po sanang kausapin kayo. Pwede ho bang pumasok upang makapag-usap tayo ng maayos?" Aniya.

Bigla naman akong hinigit ni lola sa tabi niya at tinanguan yung lalake.

"Sige, pumasok ka na iho. Sorry ka na, pinagsabihan ko kasi tong apo ko na huwag magpapasok ng hindi kilala. Kaya hindi ka niya agad pinapasok." Tapos ngumiti siya ng pilit.

Umirap naman ako sa sinabi niya. Tss

"Sige lola, matutulog po muna ako ulit. May ISANG TAO kasi diyan na kahit ang aga pa ay nambubulabog na. Tss" Sabi ko emphasizing the two words isang tao.

Tumango lamang si lola at nagtungo na sila sa sofa. Bago pa sila nakapunta doon ay lumingon yung lalake sa'kin at inirapan ako. Omg! Bakla amputa!

Butterfly's TaleWhere stories live. Discover now