Chapter 2

130 5 0
                                    

Chapter 2: Friend

Dalawang araw na rin ang nakalipas nung nagbirthday ako. Simula rin ng araw na 'yun ay napagisip-isip ko na hindi naman pala ako nag-iisa. Na kahit di ako masyadong nagsasalita, may ibang tao pa rin pala na nag-aalala sa'kin. Na kahit pilit ko silang pinapalayo ay nandiyan parin sila para sa'kin.

"Oh Cony, tulala ka na naman. Share naman" sabay tapik niya sa balikat ko. Tiningnan ko lang siya ng masama at umiling. Tch wala talagang magawa 'tong si Fritz. Iniwan ko na muna siya dun at pumasok sa bahay para kumuha ng tubig.

I was about to close the door nang may isang paa na humarang dito. Diniin ko naman yung pagtulak sa pinto para mas maipit pa yung paa niya. Ang buong akala ko ay si Fritz 'yun. Pero mali pala ako.

"Shit! Araaay! Teka sandal--- araaay!" Sabi nung lalaki. Nabigla naman ako dahil iba yung boses niya. That's not Fritz's voice. Shit!

Binuksan ko naman yung pinto para matanggal na yung paa niya dun. Nung napatingin siya sa'kin ay bigla niya akong sinamaan ng tingin habang hinihilot-hilot yung paa niya. Inaalalayan ko naman siya paupo. Malay ko bang ibang tao yun. Tch

"Cony! Sino yung--- teka, sino siya?" Biglang sulpot ni Fritz. Napairap naman ako sa kaniya at tumingin sa lalaking masama pa din and tingin sa'kin. I didn't know, okay? Tch

"Sorry for the inconvenience but I need to inform you that you, Courtney Louise, should go to the Choosing Ceremony this coming Sunday. That's all." Sabi niya sabay alis. Napailing naman ako at uminom ng tubig. Bigla namang lumapit sa'kin si Fritz at tinapik yung balikat ko.

"Okay lang yan Cony. Kasama mo naman ako dun kaya wag kang mag-alala." Sabi niya sa'kin at ngumiti. Tumango lang ako sa kaniya at nilagay yung baso sa lababo.

Hahay. Kung pwede lang akong umalis dito, matagal ko ng ginawa. Pero di ko kayang maiwan sila Fritz dito, hindi sa may pagtingin ako sa kaniya pero tinuring ko rin nman na isang kaibigan si Fritz kahit di ko siya kinakausap. Ito kasi yung ek-ek ng Council e. When you reach the age of 17, you will undergo a test which indicates your best-suited group. Our society is divided into three groups: Amity (the peaceful), Intellectuals (the knowledgeable) and Exceptional (the extraordinary). Ang OA nila noh? Pwede namang magsama sa isang society ang mga tao ng walang grupo-grupo di ba? Tss

"Cony, kung saan ka man na grupo mapupunta. Always remember that I am here for you, as your friend".

----

Vote & Comment :*

Butterfly's TaleWhere stories live. Discover now