Chapter 14: Heaven
"Tapos ka na po, La?"
Ipinatong niya ang suklay sa lamesa atsaka tumango. "Tara!"
Una siyang lumabas sa pinto at sumunod din ako. Nangunguna lang siya sa paglalakad at ako nama'y nakasunod lang.
Kinuha ko 'yung libro kong nasa loob ng backpack ko at nagbasa. Alam ko namang hindi ako mababangga kasi sanay na akong maglakad na nagbabasa.
Patuloy lang ako sa paglalakad na hindi na namalayang nauna na pala ako kay lola kaya nilingon ko siya sa likod.
"Oh, La! Bakit huminto ka pa? Tara na!"
Parang meron siyang malalim na iniisip. She shrugged at ngumiti na patungo sa'kin. Oh-kay?
Nang makalapit na siya sa'kin. "Bakit, la? May problema ba?" Nag-alala kong tanong.
Umiling siya and she tapped my left shoulder. "Wala, magpatuloy na tayo." at nagpatuloy siya sa paglalakd niya.
May problema ba si lola? I just shrugged at sumunod sa kanya sa paglalakad.
Ibinalik ko na lamang ang libro sa loob ng backpack kasi malapit na kami. Kitang-kita ko na hanggang dito ang mataas na building hindi kalayuan sa'min.
Tumakbo ako sa tabi ni lola at hinawakan ang braso niya. Tumingin lamang siya saglit at nagpatuloy kami sa paglalakad habang nakakapit ako sa braso niya.
----
"Amen." Sabay na nag-bow ang mga tao pagkatapos bigkasin 'yun.
Obviously, nasa simbahan kami. Sabi kasi ni lola na dapat daw muna akong magsimba bago pumunta do'n para naman daw maging maganda yung buhay ko do'n. Na magabayan daw ako ng Diyos gayong wala raw siya sa tabi ko ng mga panahong 'yun.
"Tara na, apo?" Inilahad ni lola ang kanang kamay niya at tinanggap ko naman agad ito. Nagtanguan kami at sabay na naglakad palabas ng simbahan.
Hindi pa kami nakakalabas ng simbahan ay may narinig akong sumigaw ng pangalan ko. Agad ko naman itong nilingon at tiningnan kung sino 'yun. It's Fritz.
Napatukod siya sa mga tuhod niya na para bang galing sa isang karera dahil sa pagod. Baliw talaga 'tong lalakeng 'to. Pwede naman siyang maglakad pero pinili pa ring tumakbo. Hiningal tuloy.
"Oh, anong kailangan mo? Dalian mo! Aalis na kami ni lola." Nakapameywang kong sabi sa kaniya.
"T-teka! Hi..hihinga muna ako." Hinihingal na saad niya.
"Iyan kasi! Pwede ka namang maglakad, ba't tumakbo ka pa?"
Umayos na siya ng tayo pero medyo hinihingal pa rin. "Samahan mo ko."
Nanlaki naman agad 'yung mga mata ko. "Ha? Bakit? Saan tayo pupunta?" Nagtatakang tanong ko.
He grinned. What the heck?
"Heavenㅡ Aray!"
Napahawak agad siya sa braso niya nang masapak ko ito. Leche 'to! Kung ano-ano ang pinagsasabi.
Someone's laughing behind me, kaya napalingon agad ako 'dun. Then I found lola, laughing habang nakahawak sa tiyan niya. Napalingon din agad ako kay Fritz nang makisabay ito sa tawa ni lola. Anong nangyayari sa mga tao ngayon? Tss
Inirapan ko nalang sila pareho at akmang aalis na nang hawakan ni Fritz ang braso ko upang pigilan ako. Tumingin ako sa kaniya at sinamaan siya ng tingin.
Unti-unti nang tumigil ang mga tawa nila. They are both staring at me. Na-conscious naman ako bigla sa mukha ko at hinawakan iyon.
"May dumi ba sa mukha ko?" I asked.

YOU ARE READING
Butterfly's Tale
AventuraHighest Rank Achieved: #76 in Adventure (2016/12/27) Life can be tough and unfair. Well, totoo naman talaga 'yon. Kahit hindi natin gusto 'yong kasalukuyang buhay natin, wala tayong magagawa kasi 'yon na ang nakatakda sa'tin. All we can do is to a...