Chapter 9

34 2 0
                                    

Chapter 9: Fun

Pauwi na ako ngayon. Kakatapos lng ng Choosing Ceremony. Anong pinili ko? Edi Amity! Ang sarap kaya maging malaya. Haha

Nagagawa mo kung anong gusto mo. Napupuntahan mo yung lugar na gusto mo. Walang nagbabantay sayo. At higit sa lahat, walang manggugulo sayo.

'Yong peaceful lang...


"Conyyyyy!"

*facepalm*

Damn! This guy. Ugh

Nang makalapit siya sa'kin ay bigla niya akong inakbayan, "Oh? Anong mukha yan Cony?" Tanong niya.

Inirapan ko naman siya at tinanggal yung braso niyang nakaakbay sa'kin. Naglakad nalang ako ng mabilis. Ingay ng lalakeng yun. Tss

----

Kumakain na kami ngayon. Kaharap ko si lola. Sobrang tahimik nga e. Tanging mga kalansing lang ng mga kutsara't tinidor ang maririnig mo.

Napatigil naman ako sa pagsubo nang may bigla akong narinig.

"Nararamdaman na kaya niya?"

Teka, sino yun?!

Tiningnan ko si Lola, "La, narinig mo ba yun?" tanong ko. Napalingon naman agad si lola ng nanglalaki ang mga mata. Eh?

"N-narinig ang ano apo?" Naautal niyang tanong.

"Ha? Wala ka pong narinig?" Tanong ko.

Tumango naman siya, "Wala. Bakit?" Tanong niya. Wala? E parang... nevermind.

Umiling na lng ako at nagpatuloy ang pagkain. Baka guni-guni ko lng yun.

----

"Ba't di ka pa natutulog Cony?" Tanong ni fritz sa'kin.

Lumingon naman agad ako sa kaniya, "Kanina ka pa tanong ng tanong sa'kin niyan ah! Gusto mo na akong matulog?" Ani ko. Tss, kanina pa talaga yan.

Napakamot naman siya sa ulo niya, "Di naman sa ganun Cony. Wala kasi akong maisip na sabihin e." Aniya. Problema ko ba yun? Tsk.

Inirapan ko nalang siya at naglakad ulit. Sumunod naman siya sa'kin. Kung san kami papunta? Ewan! Kung san lng ako dalhin ng mga paa ko. Ahehe

"Uy Cony! San ba tayo pupunta?" Tanong niya. Nagkibit balikat lng ako sakaniya at nagpatuloy sa paglalakad.

Di naman siya sumagot at biglang lumiko sa ibang daan. Saan pupunta yun?

Di ko nalang siya pinansin at nagpatuloy pa rin sa paglalakad. Pero napatigil ako ng may narinig akong sigaw. Ano yun?!

Napalingon agad ako sa lugar kung saan nanggaling yung sigaw. Nakikita ko naman sa malapit na may isang bahay at nakita kong nasa itaas ng bubong si Fritz na tumatawa. Pucha! Ano na namang kalokohan to Fritz?

Lumapit ako dun sa babae na sumigaw, "Ate, ano pong nangyari?" Tanong ko. First time to! Haha

Nakita ko naman na nakatingin pala si Fritz sa'kin ng nanglalaki ang mata. Sinamaan ko naman siya ng tingin. Lagot ka sa'kin mamaya!

"E kasi nagwawalis ako dito ng may biglang tumalon na daga sa harapan ko!" Arte na sabi niya. Tsk. Daga lng?

Tiningnan ko naman yung niwawalisan niya at nakakita ako ng patay na daga. Si Fritz may gawa nito, tsk.

Tumingin naman ako sa babae, "Ah ate, patay na po yung daga. Wag na po kayong matakot." Ani ko. Bigla naman siyang umirap sa'kin. Ang taray nito, akala mo naman kung sinong maganda. Tsk

"K. Umalis ka na nga! Sho sho! Ang pangit pangit mo, nakakasira ka ng araw. Pwe!" At pumasok na sa bahay niya. Ang sarap niya hambalusin, promise! Ugh

Tumalon naman si Fritz sa harap ko, "Wow! Cony, nagi-improve ka na talaga! First time yun ah!" Aniya. Inirapan ko naman siya at binatukan.

*PAK*

"Aw! Para san naman yun Cony?" Habang hinihimas himas niya yung batok niya.

"Para yan sa pananakot ko sa babae kanina! Wala ka talagang magawa sa buhay, e nu?" At tinalikuran na siya. Agad naman siyang sumabay sa'kin sa paglalakad.

"Ang saya kaya non! Hahahaha. Yung mukha nga niya, nakakatawa." At tumawa siya ng malakas. Tsk tsk baliw na tong isang to.

Umiling nlang ako sa kabaliwan niya at di ko na naman namalayan na nakangiti na naman ako.

----

Third Person's Point of view

Habang nagkwekwentuhan sina Courtney at Fritz, di nila alam na may nagmamatyag pala sa kanila. Isang taong takip na takip yung mukha at ang kasuotan nito ay puro itim.

Nakadungaw lng ang lalake sa isang makapal na halaman malapit kanila Courtney.

"Malapit na. Malapit na malapit na."

Butterfly's TaleWhere stories live. Discover now