Chapter 7

40 3 2
                                        

Chapter 7: Nightmare

Nagising ako ng may tumapik ng mahina sa pisngi ko. Pagkamulat ko ng mata ay di ko inaaasahan ang makikita ko....

"M-Mom?"

Ngumiti siya sa'kin at yinakap ako, "Yes princess, it's me. Okay ka lng ba dito anak?" bumitaw na siya sa'kin at hinarap ako sa kaniya.

"I'm fine mom. P-Pero bakit nandito po kayo? Diba p-patay na po k-kayo?" ani ko.

Yinakap niya lng ako at hinihimas yung likod ko. Di ko na napigilan ang mga luha ko at bumagsak na ang mga ito. Miss na miss ko na sila, sobra.

Hinarap niya ako sa kaniya at, "Don't cry, my princess. Be strong, okay? Just always remember that we love you so much. Wag kang magtiwala ng kung sinu-sino. See you soon, my princess. I love you." aniya at hinalikan ako sa forehead.

"I love you, too Mom. I love you so much. Promise, I'll be strong and I'm not going to be a crybaby anymore." Ani ko.

Habang nagyayakapan kami ni mama ay biglang bumukas yung pinto. Napalingon naman kami at nakita ko sila. Yung mga taong pumatay sa mga magulang ko. At, dahil sa kanila ay naging miserable ang buhay ko. Hinding-hindi ko sila mapapatawad.

Bumitaw ako sa yakap ni mama at hinarap sila, "Anong kailangan niyo?" Tanong ko.

Pero di nila ako pinansin at nilapitan nila si mama. May dalawang lalake na humawak sa magkabilang braso ni mama. Balak ko na sanang puntahan si mama don ng may humawak din sa magkabilang braso ko.

Nagpupumiglas ako sa mga hawak nila, "Bitawan niyo ko! MAMA, MAGHINTAY LNG PO KAYO. TUTULUNGAN KO PO KAYO!" sigaw ko.

Nagpupumiglas pa rin ako sa mga hawak nila, hanggang sa nabitawan nila ako. Tumakbo naman agad ako papunta kay mama ng may humarang sa'kin na lalake at bigla akong sinuntok. Bumagsak ako sa sahig pero pinilit ko pa ring tumayo.

"Louise! Stop, please. Wag ka ng lumaban. Okay lng ako, okay? I love you." aniya.

At dahil sa sinabi ni mama ay bumagsak na naman ang mga luha ko.

Lalaban ako. Lalaban ako hangga't kaya ko. Ayaw ko ng maulit yung nangyari noon, ayaw ko ng mawala si mama.

Pilit ko pa ring itayo ang sarili ko kahit na nanghihina ako dahil lng sa isang suntok. Pagkatayo ko pa lng ay bigla na naman akong sinuntok ng lalake pero nakailag ako. Nasa likod na niya ako ngayon. Sinipa ko agad yung likod niya dahilan para bumagsak siya.

Yung ibang mga kasama niya ay agad nila akong pinalibutan. Nakita ko naman na papalabas na sila mama.

"MAMA!" sigaw ko.

Lumingon naman siya sa'kin at nakikita ko yung mga mata niyang puno ng pag-aalala. Tumakbo agad ako palapit sa kaniya pero ayun nga, pinalilibutan nila ako kaya di ako agad nakalabas. Bigla nila akong hinawakan sa braso at hinarap sa kanila. Bigla nila akong sinuntok at napahiga na naman ako sa sahig. Napangiwi naman ako ng bigla nilang sinipa yung tiyan ko. Fvck.

Lumingon ulit ako sa may pinto. Pero wala na dun si mama. Hanggang sa nagsialisan na yung mga lalake at ako nlang ang naiwan dito. Umiyak nalang ako ng umiyak habang binabanggit ang 'mama'.





"CONY! GUMISING KA! LANGYA, BINABANGUNGOT KA!"

Napabangon naman ako agad ng may narinig akong sigaw. OMG!

Naramdaman ko naman na medyo basa yung pisngi ko. Umiyak ata ako.

"Cony! Jusko! Akala ko di ka na magigising eh. Pinakaba mo ko dun. Teka, ba't ka umiiyak?" sabay angat niya sa mukha ko.

Napaiwas nalang ako ng tingin, "W-wala. Nagkaroon lng ako ng bangungot." Ani ko.

Tumango naman siya, "Okay. Tara na, kakain na daw sabi ni lola." Aniya.

"Ang aga mo ata? Dito ka kakain?" Tanong ko sa kaniya.

Ngumiti siya sa'kin at ginulo yung buhok ko, "May pupuntahan tayo kaya maaga akong pumunta dito. Atsaka, dito nlang ako kakain para makasabay kita" sabay kindat niya sa'kin.

*PAK*

"ARAY! Para san yun Cony?" Habang hinihimas niya yung batok niya.

"Ewan ko sayo! Umalis ka na nga! Nakakasira ka ng umaga." At pumunta na sa banyo.

Baliw talaga yung lalakeng yun. Tsk tsk.

----

Vote & Comment :)

Butterfly's TaleWhere stories live. Discover now