Chapter 8

44 2 0
                                    


Chapter 8: His Promise

Naglalakad kami ngayon ni Fritz. Nandito kami sa bayan at di ko akalaing ang dami palang tao ngayon dito. Sabi ni Fritz ay nagdidiriwang daw ang mga tao masaganang ani ngayon. Isang pagdiriwang na di ko manlang alam. Lol

Di naman kasi ako mahilig pumunta sa mga ganitong bagay. I prefer na matulog nalang sa bahay or tumulong kay lola don.

"Lalim ng iniisip natin ah. Okay ka lang?"

Bigla akong napalingon sa kaniya ng bigla siyang nagsalita. Tumango lng ako sa kaniya at naglakad ng mabilis.

"Hoy Cony! Hintay naman." At tumakbo papunta sa'kin. Nang naabutan na niya ako ay bigla niya nalang akong inakbayan.

Napatingin agad ako sa kaniya, "Ibaba mo nga yang kamay mo!" Ani ko.

Pinipilit kong tanggalin yung kamay niya pero mas lalo lng niyang hinihigpitan. Kung baga, yung posisyon namin ngayon ay yung kamay niya nasa leeg ko at parang hinoholdap ako. Yung ganun, ay ewan! Di ko marunong magdescribe. Lol

"Bitawan mo koooo!" Sigaw ko.

"Ayaw ko nga! Hahaha." Mas hinigpitan niya yung kapit niya sa leeg ko at tawa lng siya ng tawa. Tsk

"Bitawan mo na nga kasi ako! Ang dami ng nakatingin sa'tin oh! Para tayong mga baliw dito" ani ko.

Lumingon naman siya sa paligid at binitawan na ako. Buti naman! Akala ko sasakalin na talaga ng lalakeng yun eh.

Hinawakan niya yung kamay ko, "Tara na nga!" Aniya. Tumingin naman ako sa mga kamay namin. Langya! May kung anong mga nilalang sa tiyan ko na gumagalaw. >.<





Bigla nalang siyang tumigil kaya napatingin agad ako sa harap. At isa lng ang masasabi ko ... Wow!

Di ko alam na may ganito pala sa bayan. Ang ganda! *-* Ano kayang tawag nito?

Bigla nalang akong kinaladkad ni Fritz sa kung saan. Huminto siya sa harap ng parang malaking gulong na may mga ilaw. Ano to?

Hinila ako ni Fritz at pumila kami don, "Ano yan Fritz?" tanong ko. Napaface-palm naman si Fritz. Eh?

"Seryoso Cony? Di mo talaga alam yan?" Aniya.

"Magtatanong ba ako kung alam ko? Atsaka, sorry naman po. E sa ngayon lng naman ako nakapasok ng ganito."

"Ay. Karnabal to Cony. At yang nasa harap natin ay isang Ferris wheel."

Tumango lng ako sakaniya. Yun pala yun? Pero ang ganda dito. Ang daming ilaw at may mga batang nagtatakbuhan. Ang saya saya nila tingnan.

Naiinggit ako. Inggit na inggit ako. Kasi nung bata ako, di ko manlang naranasan yung ganito.

Napalingon naman ako kay Fritz ng bigla niya akong pitikin sa noo. Lakas ng trip nito. Sinamaan ko nga ng tingin pero tumawa lng siya ng mahina. Napatitig nalang ako bigla sa mukha niya. Langya! Ba't ngayon ko lng to nakita? Ang pogi niya pala lalo na pag tumatawa. Ang cute---teka, anong sabi ko? Tsk nevermind.

"Nagugustuhan mo na ako niyan, Cony?" Then he chuckled.

*PAK*

"Aray! Ang sadista mo talaga, psh. Halika na nga!" Ta's hinila niya ako sa loob ng ferris wheel.

Pagkapasok namin ay agad akong umupo. Tumabi naman si Fritz sa'kin. Tumingin ako sa parang bintana. Unti-unting kong nakikita ang buong bayan. Nang makarating na ito sa pinakatuktok ay bigla itong huminto. Ngayon, kitang kita ko na talaga yung buong bayan.

Ang ganda..

Bigla akong napatigil ng biglang sinandal ni Fritz yung ulo niya sa balikat ko. May kung ano na naman akong naramdaman sa tiyan ko. Langya! Ano ba to?

Bigla nalang hinawakan ni Fritz yung kamay ko at pinaglaruan ito, "Cony, masaya ka ba?" At humarap sa'kin. Ang lapit lapit ng mukha niya.

Tumango naman ako sakaniya, "Oo naman." Sabay iwas ko ng tingin. Naiilang ako sa mga titig niya. >.<

"Mabuti naman at napasaya kita ng konti." At umiwas na rin siya ng tingin.

"Salamat Fritz. Kasi kahit lagi kitang tinataboy at sinusungitan. Nandiyan ka pa rin sa'kin at hindi mo ko iniwan." Ani ko.

Hinawakan niya yung baba ko at pinaharap sa kaniya yung mukha ko. Nakatingin lng siya sa mga mata ko at di ko rin mapigilan ang pagtitig ko sa mga mata niya.

"Hinding-hindi kita iiwan, louise. Nandito lng ako lagi sa tabi mo at laging nandito para maging sandalan mo pag may problema ka. Hinding-hindi kita iiwan." Aniya.

"Pangako?"

"Pangako" at hinalikan niya ako sa noo.

Butterfly's TaleWhere stories live. Discover now