Chapter 17

44 1 3
                                    

Chapter 17: Phoebe Johnson

Nagising ako na nakahiga sa isang malambot na higaan. I pulled myself to sit down. Nakaramdam ako bigla ng kirot sa ulo kaya napahawak agad ako rito. Damn! My head hurts like hell. Para itong nabibiyak na ewan.

"Mabuti naman at gising ka na. Jusko! Akala ko hindi ka na magigising, eh. Phew!"

Muntik na akong mahulog sa kama nang may biglang nagsalita sa gilid ko. Oh my gosh! Buti na lang at may humawak agad sa'kin kaya hindi ako natuluyan. Naramdaman kong sa baywang siya nakahawak kaya napalingon ako rito. Out of instinct, I quickly punched his face nang napagtanto kong ang lapit na ng mukha niya sa'kin.

"A-aw!" Daing niya at hinawakan 'yong part kung saan ko siya sinapak. Serves you right, Jerk!

"Oh my goodness, Jayce!" Sigaw nang babaeng nagsalita kanina at nilapitan ang lalakeng nakaupo na ngayon sa sahig at hawak-hawak ang mukha. Sino ba 'tong mga 'to? Tsk

Hindi ko na lang sila pinagtuunan ng pansin at akmang tatayo na nang mas sumakit pa 'yong ulo ko.

"O-ouch!" mahinang ngiwi ko at hinimas ito. Ano ba talaga ang nangyari kagabi at ang sakit naman yata ng ulo ko?

I closed the door ay may bigla akong naramdamang malamig na bagay na tumama sa ulo ko.

Then everything went black.

Wait.

Napalingon ako sa babaeng tinutulungan nang makaupo ang lalake. Siya ba ang dahilan nitong sakit ng ulo ko? Or 'yong lalake?

Nang maiayos na niya ang pagkaupo ng lalake ay tiningnan niya ako ng masama. Hindi ko maiwasang hindi siya taasan ng isang kilay. "What?" Pagmamaang-maangan ko.

Lumapit siya sa'kin, "Why did you punched him?" tanong niya.

I rolled my eyes. "So what? It's his fault," mataray na sabi ko sa kaniya.

She sighed at umiling-iling pa ito. Lumabas siya at hindi rin naman nagtagal ay pumasok ulit siya pero may dala-dala na itong kulay asul na bagay.

Bigla niyang inihagis ang isa sa lalakeng nakaupo sa sofa at inihagis niya rin sa'kin 'yong isa. Buti na lang nasalo ko. Jusko!

"Ilagay mo 'yan sa ulo mo. May bukol ka," sabi niya sa'kin at bumaling siya sa lalake. "Ikaw naman, ilagay mo 'yan sa mukha mong namamaga na," aniya sa lalake na ang sama na ng tingin sa'kin.

Ay! Napalakas yata 'yong pagsapak ko. Mukhang magkakablack-eye pa siya.

Napa-tss na lang 'yong lalake at sinunod 'yong sinabi ng babae. Inilagay ko rin 'yong bagay na 'yon sa ulo ko. Napangiwi pa ako nang maramdaman ko na 'yong lamig nito at pagkirot ng ulo ko. Damn! Lagot sa'kin 'yang babaeng 'yan. Tsk

----

"So, anong pangalan mo?" She asked while eating an apple.

"Courtney," bored na sagot ko. I saw her eyebrow raised. "That's all? Wala ka man lang apelyido?" nakakunot ang noo niya na nakatingin sa'kin.

"Rivera. Courtney Rivera," She nod then continue eating. Geez! Sino ba 'tong babaeng 'to?

"By the way, I'm Phoebe Johnson," tiningnan ko naman siya na nakakunot ang noo. Did she read my mind?

I heard her chuckled, "No, if you think na binasa ko 'yong isip mo. Halata lang sa mukha mo," aniya kaya tumango na lamang ako.


Namayani ang panandaliang katahimikan pero agad din niya itong binasag at nagsalita.

"Bakit ka nga pala nandito? Ikaw 'yong bagong roommate ko?" tanong niya at tumayo. Tiningnan ko lang siya na papunta sa isang trash can at tinapon ang ilang buto ng apple.

Humarap siya sa'kin, "Wala ka bang plano na sagutin 'yong tanong ko?" naiiritang tanong niya.

I shrugged and umiwas ng tingin. Narinig ko siyang bumuntong hininga. "I need to go. May pupuntahan pa ako. Don't leave this room, okay?" Hindi ko siya sinagot kaya umalis na lang siya.

Nang makalabas na nga siya ay agad kong inilagay ang bagay na ibinigay niya sakin kanina, 'yong asul na bagay, sa table na nasa tabi ko.

Hinawakan ko 'yong bukol ko. Hindi na naman masyadong masakit katulad kanina. Damn! Baliw na yata ang babaeng 'yon. Tama ba naman 'yong hampasin ka ng frying pan?! Ugh! Hanggang ngayon nanggigigil pa rin ako sa babaeng 'yon. Ano nga ulit pangalan niya? Basta may parang bubuyog 'yong huli non. Aish!

Isinantabi ko muna 'yong galit ko sa kaniya at tumayo. Tiningnan ko ang bawat sulok nitong kwartong kinalalagyan ko...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 26, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Butterfly's TaleWhere stories live. Discover now