Chapter 6: Stars and Them
"Cony, okay ka na ba talaga?" He's asking me that for the nth time! Nakakairita na.
"I SAID I'M FINE! Sa'n banda di mo maintindihan sa F-I-N-E?"
"Woah! Yan na ata yung pinakamataas na nasabi mo ngayon cony. Improving ka na, congrats!" Sabay tawa niya. Tss
Inirapan ko na lng siya at iniwan doon. Walang magawa sa buhay, tss. Btw, pumunta dito yung isang member sa Council. Nag-apologize lng sila sa nangyari at sinabing babalik kami sa Hall sa susunod na linggo. Pagkatapos niyang sabihin yun ay umalis din siya agad. Buti nga siya yung pumunta dito e, kaysa dun sa unang pumunta dito. Tss.
Nakikinig lng ako ng music dito. As usual, dito sa taas ng puno. Ito na yung naging tambayan ko, bata pa lang ako. I love it here. Kitang-kita mo yung buong bayan. Mataas na mataas ito, pero natutulog ako sa pinakamababa na sanga dito kasi kapag mahulog man ako, di masyadong masakit.
Ngayon, nasa pinakamataas ako na part ng puno. Kitang-kita ko talaga yung buong bayan. Yung bayan na magulo pero masaya. Enjoy na enjoy na sana ako sa panonood ng mga batang tumatakbo nang biglang yumanig ang puno.
Pagtingin ko sa gilid ko ay nakita ko si Fritz. Nakangiti siya sa'kin pero ako, Serious-look.
"Napakaseryoso mo talaga. Smile naman jan! Wala namang mamatay pag ngumiti ka e." Sabay tawa niya at humarap siya doon sa bayan. Umiiling-iling nalang ako sa kaniya at tiningnan ko rin ang tinitingnan niya. Di ko mapigilan ang pagngiti.
Napalingon naman ako agad sa kaniya kasi muntik na siyang mahulog. Langya! Akala ko mahuhulog na talaga siya! Nasa pinakaitaas pa naman kami. Phew!
"Mag-ingat ka nga!" Sigaw ko sa kaniya.
"C-Cony! Ngumiti k-ka!" Nakatulala lang siya sa mukha ko. Bigla ko siyang sinapak, pero mahina lang.
"Sadista talaga nito. Pero, seriously, you should smile more often. Mas lalo kang gumaganda kapag nakangiti." Sabi niya sa'kin at ngumiti. Di ko alam pero feeling ko, kasing kulay na ng kamatis yung mukha ko ngayon. Umiwas ako sa mga tingin niya then he chuckled.
"Yung mukha mo Cony. Kasing kulay na ng kamatis oh. Hahaha. Nagbblush ka pala Cony?"
"H-Hindi noh! Di ako nagbblush. Namamalikmata ka lng" ta's bumaba na ako sa puno. Di ko na kaya dun.
Ayaw kong ipakita sa kaniya kung ano at sino talaga ako. I should avoid expressing myself.
----
I checked the clock. 12:03. It's already midnight. But, I can't sleep.
Umakyat ako sa bubong namin at humiga doon. Mahirap lang kami. Medyo sira na rin tong bahay namin at sobrang liit nito. I'm used to it na rin, kasi alam ko na hindi na ulit mangyayari yun. Yung malamansyon na bahay, may malalaking kwarto, malalawak na bakuran at mararangyang gamit. Pagkamatay nila mama ay kinuha ako ng relatives ko. Pinakain nila ako at tinuring na totoong anak.
I stayed there for almost a year pero nung nag 10 years old ako ay binigay nila ako sa isang matanda, which is Lola berta. Naiintindihan ko naman yung rason nila. Simula kasi nung tumira ako sa bahay nila ay may lagi ng nagbabanta sa kanila.
"Cony? Oh, ikaw pala! Akala ko manananggal na yung nakikita ko e." Sabay kamot niya sa ulo niya.
"Ba't nandito ka? Di ka pa matutulog?" Takang tanong ko sa kaniya.
"Di ako makatulog e. Ikaw rin?" Tumango lng ako sa kaniya at humiga din siya sa tabi ko.
"Alam mo Cony, sobrang saya ko ngayon." Sabay lingon niya sa'kin at ngumit ng matamis.
"Bakit?"
"Kasi nakikipag-usap ka na sa'kin. Alam kong ang babaw non. Pero totoo, sobrang saya ko talaga. Kasi feeling ko pinagkakatiwalaan mo na ako." at ngumiti siya sa'kin. Nadala naman ako sa ngiti niya kaya napangiti rin ako. Nakangiti akong tumango sa kaniya at tumingin ako sa mga bituin.
I know na isa kayo sa mga bituing tinitingnan ko ngayon, mama and papa. Sana masaya kayo diyan. Mahal na mahal ko kayo, mama, papa.
![](https://img.wattpad.com/cover/68870596-288-k566469.jpg)
YOU ARE READING
Butterfly's Tale
AventuraHighest Rank Achieved: #76 in Adventure (2016/12/27) Life can be tough and unfair. Well, totoo naman talaga 'yon. Kahit hindi natin gusto 'yong kasalukuyang buhay natin, wala tayong magagawa kasi 'yon na ang nakatakda sa'tin. All we can do is to a...