Chapter 3

73 4 0
                                    

A/N: Ipapaalala ko lang po na, I'm not fluent in English. I'm very sorry kung may wrong grammars man o typos. Enjoy reading!

----

Chapter 3: Choosing Ceremony

Kakatapos lang ng test. Nandito ako ngayon sa parang waiting area dito. Naghihintay na lang ako sa resulta.

"Participants, please proceed to the hall." Sabi nung lalaki sa speaker. Bigla namang sumulpot kung saan si Fritz.

"Cony, tara na?" Tumango lang ako sa kaniya at nagsimula ng maglakad.

----

Habang nanonood kami ni Fritz ng ceremony ay bigla na lang akong kinabahan. I can feel that again.

"F-Fritz, pwedeng umalis na t-tayo dito?" Pagkatapos kong sabihin 'yun ay biglang lumingon si Fritz sa'kin na nanglalaki ang mata.

"Cony! May lagnat ka ba?!" Sabay hawak sa noo ko. "Wala ka namang lagnat. Ay teka, Blue moon ba ngayon?! Anong nakain mo? Hala! Bak---ARAY!" Binatukan ko nga! Ang OA e. Psh

"Wala akong lagnat, okay? Atsaka, may blue moon ba? Full moon lang alam ko e---ARAY!" Ba't nambabatok to? Sinamaan ko nga ng tingin.

"Di mo gets? Joke yun Cony! JOKE! Yung sinasabi ng iba, yung 'once in a blue moon' GANUN!" Sabay irap niya sa'kin. Ay sorry naman! Di ko naman alam.

"Ay basta! Alis na ta---" naputol yung sasabihin ko ng biglang inanannounce yung pangalan ko sa stage. Tsk! May mangyayari talagang masama.

"Oh Cony! Punta ka na dun. Mamaya na tayo aalis pagkatapos nitong ceremony." Sabay ngiti niya sa'kin.

Kadahakbang ko ay mas lalo akong kinakabahan. Hays, I've got a bad feeling about this.

"Courtney, choose what you want" sabi nong lalaki sa'kin. May tatlong parang bowl sa harapan ko ngayon at may mga nakasulat dito. Ang amity and intellectuals.

Nakakalito, di ko alam kung alin ang pipiliin ko. Choosing the right path is never easy, you know. I want to have a normal life and peaceful life.

Kinuha ko na yung kutsilyo at sinugatan yung thumb ko. Sana tama 'tong pipiliin ko. Napapikit ako ng itapat ko na ang kamay ko sa.... amity.

Kinakabahan ako kung tama ba tong pipiliin ko. Nanginginig na rin yung kamay ko. Ang tahimik ng buong hall na para bang lahat sila ay nag-aabang sa susunod kong gagawin. Sa sobrang tahimik ay mas lalo akong kinakabahan. Bigla ko namang naidilat yung mga mata ko nang may biglang sumabog. They're here. I know na that's them, kasi ito rin yung pakiramdam ko nong bata pa ako. Noong panahon bago pa yung aksidente. Agad naman akong tumalon sa stage at hinanap si Fritz. Nagkakagulo na rin yung mga tao, yung iba nadadapa pa dahil sa pagpanic. There are some black men na papunta dito kaya napatakbo ako bigla sa Exit. Malapit na sana ako sa Exit ng may humarang sa daan, shit.

Pagtingin ko sa likod ay may mga lalaki rin na katulad nitong lalaking nasa harapan ko. Patay! Nasan ka na kasi Fritz?.

Susulong na sana ako ng biglang may parating na lalaki. Oh shit! Siya 'yun, yung lalaki kanina na nakatingin sa'kin. Habang nanonood kasi kami ni Fritz ng ceremony ay feeling kong may nagmamasid sa'kin kaya hinanap ko yung taong 'yun. Tas nakita ko sa kabila nung inuupuan namin ni Fritz na may taong nakatingin sa'kin, na para bang pinagmamasdan kung ano yung ginagawa ko.

"Courtney Louise Rivera, what an ugly name for such a beautiful woman like you." Sabi nong lalaki.

"Kung nandito ka para manlait lang ng pangalan ko, then just leave. Hindi ako nanghingi ng opinyon mo." Cold kong sabi. He chuckled and he looked directly into my eyes.

"Cold gestures eh? Hahaha. You really look like your father, even your attitude and eyes."

"M-My father?"

Butterfly's TaleWhere stories live. Discover now