Chapter 12: Unacceptable News
"Apo, wala ka bang pasok ngayon?" Tanong niya sa'kin.
"Wala po, la." Sagot ko na hindi tumitingin sa kanya. May binabasa kasi akong libro at nasa climax na ako.
"Ahh, ganun ba? Pwede ba tayong mag-usap?" Tanong niya ulit.
Lumingon naman ako sa kanya, "Nag-uusap na tayo, la." Ta's bumalik sa pagbabasa.
Napabuntong hininga naman siya.
"Tsk tsk. Pilosopong bata." Pailing-iling na sabi niya.
I chuckled, "Joke lang po, la. Bakit? Ano ba yung pag-uusapan natin?" Tanong ko.
"Tungkol to sa result Courtney." Seryosong sabi niya.
Kapag pangalan na ang tawag sa akin ni lola. Seryoso na siya at hindi nagbibiro. Binaba ko na muna yung librong binabasa ko at lumingon sa kanya.
"Bakit, la? Anong nangyari?" Kunot noo kong tanong.
Hinawakan niya bigla yung kamay ko, "May sasabihin akong importante sa'yo," aniya.
Huminga muna siya ng malalim bago magsalita uli, "Iba ang nasa result sa iyo Courtney. Iba, kaya pumunta yung tagacouncil dito kaninang umaga." Aniya.
"B-bakit? Ano ang naging result? Di ba wala naman talagang kwenta yung result? Pinapatest nila o kung ano-ano yung ginagawa nila, pero sa huli, pinapapili naman nila yung tao kung saan talaga niya gusto. Walang kwenta di ba?" Sabi ko.
Tumango siya, "Tama ka, parang wala na lang kwenta yung test. Pero Courtney, ginagawa nila yung test para sa ibang kadahilanan." Aniya.
Napakunot naman bigla yung noo ko, "H-ha? Bakit? Anong dahilan?" Tanong ko.
"Dapat muna tayong dumaan sa test bago makapili, di ba? Ginagawa nila iyon para malaman kung ano ba talaga yung para sa iyo. Kung iba ka ba o isang normal."
"N-normal? Normal naman tayong lahat! Ano bang ibig sabihin sa sinasabi mo, la?" Tanong ko.
"Makinig kang mabuti, Courtney." Aniya. "Dapat tayong lahat dumaan sa test bago makapili, bakit? Para malaman nila kung malalagay ka ba sa exceptional o hindi. Kapag sa result mo ay walang magbago, hahayaan ka nila sa grupong napili mo. Pero kapag magbago ang naging resulta, marahil ay ikaw ay nabibilang sa exceptional." saad niya.
WHAT?! So, kung naiba yung result ko. Ibig sabihin...
NO! Hindi ako makakapayag!
Hinawakan ni lola yung kamay ko, "Apo, alam kong ayaw mo dun. Pero wala na tayong magagawa. Yung sinabi mo kagabi..."
"Na may narinig ka non? Baka iyon na yun. Yung iba sayo. 'Yung ability mo," sabi niya.
Ability? Hindi ko na maintindihan. Anong ability?
"Ang mama at papa mo ay may mga ability din. Sa palagay ko'y pagbabasa ng nasa isip ang ability mo. Pero ang pinagtataka ko ay sa'n mo 'yan nakuha. Your mother's ability is not reading minds nor your father..."
"Yung kumakain tayo non, natanong ko lang talaga yun sa sarili ko. Kaya nagulat ako ng marinig mo yun." aniya.
R-reading minds? I-I don't know kung ano yung dapat na magiging reaction ko. Pero, ugh! Gusto ko lang naman na mabuhay ng tahimik at payapa, pero bakit ganito?
Tinanggal ko yung pagkakahawak ni lola sa kamay ko at tumakbo palabas ng bahay. Naririnig kong tinatawag ako ni lola, pero hindi ko na pinansin.
Gusto kong mapag-isa.

YOU ARE READING
Butterfly's Tale
AdventureHighest Rank Achieved: #76 in Adventure (2016/12/27) Life can be tough and unfair. Well, totoo naman talaga 'yon. Kahit hindi natin gusto 'yong kasalukuyang buhay natin, wala tayong magagawa kasi 'yon na ang nakatakda sa'tin. All we can do is to a...