Chapter 16: The Headmaster
"I know."
Tumayo siya at lumapit sa'kin. Tiningnan niya 'yong buong mukha ko at para bang sinusuri ako. Hindi ko maiwasang mailang dahil sa pagtitig niya sa'kin. Jusko! Nagagandahan ba 'to sa'kin? Huwag naman sana. Hindi ako pumapatol sa matatanda.
Tumikhim ako na nagpabalik sa kaniya sa reyalidad. Umiwas na siya ng tingin at nagtungo sa desk niya. May kinuha siyang papel do'n at biglang inilahad sa harap ko.
Tiningnan ko lamang 'yong papel sa nasa harap ko. Ano 'to?
"Diyan nakalagay kung saan ka tutuloy. Nakasaad din diyan ang mga rules and regulations. Ipapadala ko na lang 'yong mga uniform at mga gamit na kakailanganin mo. You may now go." Saad niya kaya tinanggap ko na iyon at bumalik na siya sa upuan niya kanina.
"Thank you, po." sabay bow ko. Aalis na sana ako nang bigla ulit siyang magsalita.
"Wait," sabi niya na nagpatigil sa'kin at tiningnan siya.
"Ano po 'yon?"
"Are you Dale Rivera's daughter?" Tanong niya kaya hindi ko maiwasang mabigla. Kilala niya si papa?
"Y-you know him, po? Y-yes, he's my f-father," nauutal na sagot ko sa kaniya. Tumango siya sa'kin at ngumiti.
"Tama nga 'yong hinala ko. Okay, pwede ka nang umalis." Aniya. Magtatanong pa sana ako sa kaniya kung paano niya nakilala si papa pero hinila na ako ng kasama ko palabas.
Aish! Nakakainis naman 'tong lalakeng 'to! Kung makahila naman 'to, close tayo kuya? Tss.
Hindi ko na lang pinansin si kuya at tiningnan ang papel na ibinigay sa'kin kanina. Mga rules lang naman ang nakalagay dito. Sa second page naman ay isang mapa. Mapa yata 'to rito. Mabuti na rin para hindi ako maligaw dito, ang laki pa naman ng lugar na 'to. Geez!
Tumigil ako sa paglalakad nang huminto rin 'yong kasama ko. Nagtatakang tiningnan ko naman ito. "Bakit po?"
"Kanina pa tayo naglalakad, miss. Wala ka bang balak na sabihin sa'kin kung saan ka tutuloy?" Tanong niya. Hindi ko napigilan at tinaasan ko siya ng isang kilay.
"Gano'n ba? Akala ko kasi alam mo kung nasaan 'yon. Hindi ka naman nagtanong kanina," maarteng sabi ko.
Napakamot naman siya sa ulo niya, "S-sorry, kasalanan ko." At bahagyang yumuko "Pakitingnan 'yong papel na ibinigay ni Sir kanina. Do'n nakalagay kung saan ka tutuloy," aniya.
Sinunod ko naman ang sinabi niya at binasa 'yong mga nakasulat.
"Ito po ba 'yon?" Sabay turo ko sa nakabold na words. Tumango naman siya at nanguna na sa paglalakad. Sumunod naman agad ako sa kanya.
----
"May makikita kang isang hallway do'n kaya do'n ka lumiko at makikita mo ro'n ang isang itim na pinto. 'Yon na 'yong tutuluyan mo. Hanggang dito nalang kasi ako bawal ako pumasok diyan." Aniya at ibinigay sa'kin ang bag ko. Tumango naman ako sa kaniya at nagpaalam na siya.
I sighed and pinipigilan na pumikit 'yong mga mata ko. Damn! Inaantok na talaga ako.
Nagsimula na akong maglakad at huminto nang makita ko sa ang isang hallway na tinutukoy ng naghatid sa'kin kanina at lumiko do'n. Tiningnan ko naman 'yong mga pinto rito at kahit isa man lang ay wala akong makitang itim na pinto. Mali ba 'tong nilikuan kong hallway?
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa napunta ako sa dulo nito. Mabuti na lang at hindi nga mali 'tong nilikuan ko. Nakita ko ang isang pinto at pumunta do'n.
Ang weird naman yata. Bakit kulay itim ito? At dito ako tutuloy? Eh paano na lang kung dito pala nila inilagay ang mga alaga nilang mababangis? Jusko! Huwag naman sana.
Huminga muna ako ng malalim bago pinihit ang door knob. Sumilip muna ako at nang makumpirma ko na wala namang mabangis na hayop doon ay pumasok na ako.
But the moment I closed the door ay may bigla akong naramdamang malamig na bagay na tumama sa ulo ko.
Then everything went black.

YOU ARE READING
Butterfly's Tale
AdventureHighest Rank Achieved: #76 in Adventure (2016/12/27) Life can be tough and unfair. Well, totoo naman talaga 'yon. Kahit hindi natin gusto 'yong kasalukuyang buhay natin, wala tayong magagawa kasi 'yon na ang nakatakda sa'tin. All we can do is to a...