Chapter 13

26 3 0
                                    

Chapter 13: I'll wait for you...
Kasalukuyan akong nagbabasa ngayon. Pinagpatuloy ko lang yung binasa ko kahapon. Inulit ko pa talaga yung mga previous chapters na nabasa ko na, dahil sa nakalimutan ko.

Nyeta kasi tong si Fritz!

*Flashback*

Nandito na naman ako sa puno at kasalukuyang nag-iisip. Hindi ko talaga tanggap na mapupunta ako sa exceptional. Hindi ko talaga kaya na mapunta doon.

Napatingin naman ako sa mukhang palasyo na yung kalakihan na nasa malayo. Hays. Baka bukas o sa makalawa, nandiyan na ako. Which is, ayaw ko!

What if, may mga masasamang tao dyan? What if, wala akong magiging kaibigan?

Napasampal naman ako sa sarili ko. Gaga mo Courtney, wala ka naman talagang kaibigan. Tanging si Fritz lang naman yung nakatiis sa pagiging snob at tahimik mo. Tss

"CONY! BA'T NASA TAAS NG PUNO KA NA NAMAN?" May sumigaw sa baba.

Tss, speaking of the devil. Tiningnan ko lang siya sa baba at hindi sumagot sa tanong niya.

Sa tuwing nakikita ko si Fritz, feeling ko ang swerte ko. Kasi kahit ganito ako, hindi ako masyadong nagsasalita at lagi ko siyang sinasnob. Pero bakit ganun? Nandyan pa rin siya at alam nyo yung mas nagustuhan ko?

Sa tuwing may problema ako, dun naman siya sumusulpot. May radar ba to na kapag may problema ako, e malalaman niya at pupuntahan ako agad? Haha. Gaga mo Courtney, walang ganun!

Hindi ko naman namalayan na nasa gilid ko na pala siya. Ang bilis kasi kumilos, tss.

"May problema ka nu?" Tanong niya. Hindi ko siya sinagot at umiwas na lang ng tingin.

Bumuntong hininga siya, "Sabihin mo na lang sa'kin, Cony. Pero bakit kaya ganun? Sa tuwing namomroblema ka, diyan naman ako laging dumarating..." Bigla siyang tumingin sa'kin.

"MEANT TO BE BA TAYO, CONY?!"

Napalingon naman ako agad sa sinabi niya. Tss, assuming af.

*PAK*

Sa pagkabatok ko sa kaniya ay muntik na siyang mahulog. Haha, buti nga sa kaniya.

Napahawak siya sa batok niya, "Aray ko naman, Cony. Binibiro lang naman kita, tss. Muntik pa akong mahulog." Sabi niya.

Medyo napatawa naman ako ng kaunti. Ang epic kasi nang mukha niya nung muntik na siyang mahulog. Haha

"Sana nga natuluyan ka nang mahulog eh! Tss, sayang!" Sabi ko.

Nagpout naman siya, "Okay lang. Sanay naman ako sa pagiging sadista mo. Atsaka, okay lang sa'kin na mahulog ako. Kaysa ikaw yung mahulog." Aniya.

Napataas naman yung kilay ko, "Hinding hindi ako mahuhulog! Nag-iingat naman ako at hindi rin ako tanga para mahulog dito." hinampas ko siya at tumawa ng mahina.

Tumawa rin siya ng mahina pero saglit lang. Ibinaling niya ang tingin niya sa malayo.

"Louise..."

"Huwag mo kong tawaging ganyan," ani ko.

He heaved a deep sigh and tiningnan ako sa mata.

"You're an exceptional, right? Sinabi sa'kin ni lola nang pumunta ako sa bahay niyo."

Umiwas ako ng tingin. "M-maybe? I don't know. Ang hirap lang tanggapin na isa pala akong gano'n," I sighed. "Never kong naimagine na isa akong exceptional."

He shrugged. "Well, expect the unexpected. Ganyan naman talaga ang buhay, Cony. We can't predict the future kaya ang magagawa na lang natin ay ang maging ready sa mga posibleng mangyari sa hinaharap."

Tumango ako bilang pagsang-ayon.

"Yeah, that's true. We don't have any choice kaya dapat na lang nating tanggapin kung ano 'yung para sa atin, para sa buhay natin." Then I smile.

Biglang ginulo ni Fritz 'yung buhok ko kaya binatukan ko na naman siya.

"Aray! Ang sadista mo talagaa! Hindi yata bagay sa'tin ang maging seryoso." At tumawa siya. Hindi ko na rin napigilan at tumawa na rin kasabay siya. Sana ganito na lang palagi.

"But Cony..."

Napatigil ako sa kakatawa at tumingin sa kanya.

He smiled. "Mahirap daw do'n sabi nila, kaya kayanin mo ha? Maging matapang at malakas ka! Para kung malampasan mo 'yun, makakabalik ka kaagad dito..."

Bigla na lang niya akong niyakap kaya para tuloy akong naestatwa sa inuupuan ko.

"I will miss you, Courtney Louise. Promise me, na hindi mo ako kakalimutan, ha? I'll wait for you."

*End of flashback*

Butterfly's TaleWhere stories live. Discover now