Chapter 4: Her Father
Fritz's Point of view
Asan na ba si Cony? Tsk, kanina pa ako naghahanap sa kaniya. Sana walang masamang nangyari sa kaniya. Hayss
*Flashback*
Nandon na si Cony sa stage at parang nag-iisip na. Kami naman ay nag-aabang kung anong grupo yung pipiliin niya. Kilala rin si Cony sa bayan dahil sa pagiging tahimik nya at weird.
Biglang tinapat ni Cony yung kamay nya sa Amity at nakapikit pa siya non. Halatang kinakabahan siya dahil nanginginig yung kamay nya. Sobrang tahimik ng hall, nang may biglang sumabog. Umingay na yung hall dulot ng pagsabog at nagpanic na rin yung mga tao. Napatakbo ako bigla sa stage at hinanap si Cony. Ugh! Asan na ba yun?
Nasa kalagitnaan ako ng paghahanap ni Cony ng bigla akong pinalibutan ng mga nakaitim na lalake. Ang lalaki ng mga katawan nila.
"Anong kailangan nyo?" Tanong ko sa kanila. Bigla namang lumapit yung isang lalake sa akin at hinawakan yung isang braso ko.
"Sumama ka nalang sa'min, kung ayaw mo masaktan" Sabay higpit niya ng kapit sa braso ko. Nagpupumilit parin akong makawala.
"Ayaw ko! Bitawan nyo ko! Sino ba kayo ha? Anong kailangan nyo sa'kin?" Galit kong sabi sakanila. "May kinalaman ba kayo sa pagsabog? Alam nyo, di nakakagwapo yang pagsusuot nyo ng itim at pagpapasabog. Kaya tigilan nyo na yan! Mas pogi pa rin ako kaysa sa inyo! Pwe" dagdag ko pa. Nagawa ko pang magbiro, tsk
"Sinasabi mo bang pangit kami? Ako?"
"Uy, di ko sinabi yan. Ikaw lang nagsabi nyan" halatang nainis siya sa sinabi ko kaya balak na nya sana akong suntukin nang may biglang sumingit na lalake.
"Stop! Wag mo ng patulan yan. Dalhin nyo na yan sa HQ. Pupuntahan ko pa yung anak ni Rivera." Sabay alis niya. Parang pamilyar yung lalake sa'kin pero di ko matandaan kung saan ko siya nakita.
Habang kinakaladkad nila ako ay nagpupumiglas pa rin ako. Ayaw ko sa mga lalaking eto. Ang baho baho ng kilikili! Parang ilang buwan na hindi naligo! Kailangan ko na talagang makawala dito at hanapin si Cony.
Bigla kong tinapakan yung paa nla at binitawan naman nila ako. Tatakbo na sana ako ng biglang may kumapit ulit sa braso ko kaya hinarap ko siya at sinuntok. May mga iba pang sumugod sa'kin at pinagsasapak yung gwapong mukha ko pero naiiwasan ko naman yung mga suntok nila. Pinagsusuntok ko sila hanggang sa naubos sila at tumakbo palayo doon.
*End of Flashback*
Takbo lng ako ng takbo dito na parang baliw. Nagpalinga-linga ako at tinalasan yung mga mata ko para mahanap agad si Cony.
Makalipas ang ilang minuto ay umupo muna ako sa isang upuan na malapit sa Exit at nagpahinga. Langya! Kanina pa ako takbo ng takbo pero di ko parin nahahanap si Cony. Baka may masama ng nangyari don!
Habang nagpapahinga ako ay nakarinig ako ng taong nagsasalita. Alam ko yung boses na yun kaya tumakbo ako don at hinanap kung saan nanggaling yung boses na yun. Hanggang sa napunta ako sa maraming nakaitim na mga lalake na parang meron silang pinapalibutan doon. Bigla akong nakipagsiksikan doon kasi sigurado akong dito nanggaling yung boses na yun. Yung boses nya.
Habang nakipagsiksikan ako ay rinig na rinig ko yung pinag-uusapan nila ng taong nasa gitna nito.
"M-My father?" Naguguluhang tanong ni Cony.
Cony's father? E matagal ng patay yun! Namatay yung parents ni Cony dahil sa isang insidente. At dahil sa insidenteng yun ay grabe ang naging trauma ni Cony. Dahil dun kaya siya ganyan. Kaya sya mailap at tahimik sa ibang tao.
YOU ARE READING
Butterfly's Tale
AdventureHighest Rank Achieved: #76 in Adventure (2016/12/27) Life can be tough and unfair. Well, totoo naman talaga 'yon. Kahit hindi natin gusto 'yong kasalukuyang buhay natin, wala tayong magagawa kasi 'yon na ang nakatakda sa'tin. All we can do is to a...